NILALAPATAN ng lunas sa pagamutan ang mga Filipino na nasugatan makaraan ang sunog na tumupok sa residential tower sa London nitong Miyerkoles, ayon sa ulat ng Philippine Embassy sa British Capital.
Binanggit ang ulat mula sa misyon sa London, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Robespierre Bolivar, ang mga Filipino na nasugatan sa insidente ay dinala sa pagamutan upang malapatan ng lunas.
Gayonman, hindi nagbigay ng detalye si Bolivar kung ilang Filipino ang naapektohan sa nasabing insidente.
“Embassy representatives have already visited them,” aniya.
“Filipinos living near the Tower have also been advised not to go back to their homes until the situation stabilizes,” aniya pa.
Kinompirma ng Embassy nitong Miyerkoles, kabilang ang ilang Filipino sa 70 nasugatan sa naganap na sunog sa 24-story Grenfell Tower sa London.
Ayon sa ulat, 12 katao na ang namatay sa sunog, ngunit pinanga-ngambahang tumaas pa ang nasabing bilang.