Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Trina Legaspi at Albie Casiño, tampok sa Ipaglaban Mo sa Sabado

INTERESTING ang episode ng Ipaglaban Mo na mapapanood this Saturday, June 17 sa ABS CBN. Tampok sa naturang episode this week sina Trina Legaspi at Albie Casiño.

Sasagutin dito kung makatuwiran bang putulan ng ari o sex organ ang isang lalaking minamahal kapag nagtaksil? Kaya mo bang intindihin at ipaglaban hanggang sa dulo, kahit taksil ang asawa mo?

Sa istorya ay isang menor de edad si Trina na nabuntis ni Albie. Ngunit may kalaguyo itong iba na nahuli ni Trina, kaya ang naging ending, pinutulan ni babae si lalaki ng kanyang kaligayahan sa buhay!

Ano ang inisip ni Trina sa eksenang habang natutulog si Albie ay kumuha siya ng gunting at ginupit niya ang ari nito?

Esplika niya, “Sineryoso po niya ‘yung character talaga, kung saan po nanggaling ‘yung hugot ng character ko rito, na humantong kung bakit po niya pinutulan ang partner niya.

“Sobrang babaero po kasi ng asawa ko rito, kaya umabot na siya sa sukdulan… Maraming beses na rin po kasi niyang nahuli si Vincent (Albie) na nambababae.”

Nabanggit ni Trina (kilala rin bilang Hopia noong child actress pa siya), na-challenge siya sa role niya rito at first time raw niyang gumanap nang ganito.

“Yes, challenging po siya, kaya ibinigay ko ang one hundred percent ko rito. Itinodo ko na po iyong acting ko rito. Plus, first time kong gumanap din po nang ganito, e,” esplika ng Kapamilya aktres.

Bukod kina Trina at Albie, ito ay tinatampukan din nina Meryll Soriano, Richard Quan, Kiray Celis, at marami pang iba, sa direksiyon ni Eduardo Roy Jr..

Huwag kaligtaang panoorin ang #IMputol sa Ipaglaban Mo ngayong Sabado, June 17, 3:00 pm pagkatapos ng It’s Showtime!
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …