Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maine, ‘di kasalanang mapasama sa Top 10 Sexiest Pinay

FOR once ay ipagtatanggol namin si Maine Mendoza laban sa kanyang mga basher (well, she’s also one heself!) na kumukuwestiyon ng pagkakasali niya sa Top 10 Sexiest Pinay ng FHM.

Particularly, inaalmahan ng mga netizen ang pisikal na aspeto ni Maine. Bukod sa wala raw itong “hinaharap” (read: boobs) ay wala itong “behind” (read: puwet). In short, mapa-harap at mapa-likod ay walang ipagmamalaking asset ang hitad.

Sa philosophical na pananaw, ang kahulugan naman ng kagandahan ay mas nakasentro sa panloob. Sa pagkatao, hindi sa hitsura.

Gasgas din ang linyang beauty is relative, ”Beauty is in the eye of the beholder.” Ang maganda kay Juan ay hindi nangangahulugang maganda sa paningin ni Pedro, and vice versa.

Let’s face it, hindi man smashingly beautiful si Maine tulad ni Liza Soberano o ni Pia Wurtzbach pero may angking ganda siyang kanyang-kanya lang.

Lest we forget, ang salita sa titulong “Sexiest” ay maraming kahulugan. Maaaring physically sexy or beyond what we see at face value. Kahit mag-survey pa tayo ng mga kalalakihang celebrity, maging sila’y hindi lang magpo-focus sa pisikal na aspeto ng babae para tawaging sexy.

To top it all, hindi kasalanan ni Maine kung isa siya sa mga napiling pinakaseksing Pinay. After all, she didn’t commission FHM to release the results na pabor sa kanya.

Nagkataon lang na kahit anong contest, search o timpalak—pagandahan man o talento ang pinag-uusapan—public votes do matter.

‘Di hamak namang mas katanggap-tanggap ang anila’y kuwestiyonableng pagkakapasok ni Maine sa talaan kaysa kaso ni Jessy Mendiola na nagwagi nga noon pero hindi naman niya na-sustain sa mga sumunod na taon.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …