Friday , December 27 2024

Lumuluha ang Marawi sa ika-119 Araw ng Kalayaan

HABANG ipinagdiriwang ng buong bansa ang ika-119 Araw ng Kalayaan, kahapon, nagluluksa at walang kapantay ang kalungkutan ng mga pamilya ng 13 sundalo ng Philippine Marines na nautas sa pakikipagbakbakan sa mga teroristang gupong Maute/ISIS sa Marawi City nitong nakaraang Biyernes.

Para mailigtas laban sa mga terorista ang mga kapatid nating Maranao, magiting na nakipaghamok ang mga sundalo para mapalaya ang Marawi City sa kamay ng mga terorista.

Ganyan ang sinabi at ipinahayag ni Secretary Ernesto Abella.

Bago ito, kompiyansang inihayag ng Palasyo, lalaya na ang Marawi kasabay ng pagdiriwang ng ika-119 kalayaan ng bansa sa kuko ng mga dayuhang mananakop.

Marami ang naniwala nang ihayag iyon ng Palasyo, ibig sabihin kontrolado na nila ang gulo sa Marawi.

Hindi naman siguro maglalakas ng loob ang Palasyo na magsalita nang ganoon kung hindi nila tantiyado ang laban.

Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit marami ang pinanghinaan ng loob nang mabatid ang pagkautas ng 13 sundalo ng Philippine Marines.

Ayon sa Palasyo, ang insidente umano ang lalong nagpaigting sa pagnanais ng gobyerno na linisin ang Marawi sa mga kriminal, isalba ang mga sibilyan at ibalik ang kaayusan, seguridad at normal na sitwasyon sa siyudad at mga residente.

Sa katunayan, inamin nila na maging ang tropang Amerikano ay tumulong na sa kanila.

Personal nang nakiramay si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa mga naulilang pamilya ng mga sundalo nang dumating ang kanilang labi sa Villamor Airbase, Pasay City.

Kasunod nito, iuuwi na sila ng kani-kanilang pamilya kung saan sila ibuburol para sa ilang araw pang pagsasama at pagdadalamhati na dadaluhan ng mga kamag-anak at kaibigan.

Ilan lang sila sa mga buhay na naibuwis para iligtas ang Marawi sa kamay ng mga terorista. Ilan lang sila sa mga sundalong naiwan ang pamilya dahil sa pagsugpo sa terorismo — nabiyuda ang asawa at naiwan ang mga anak na paslit.

Ang sabi ng Palasyo, lalaya na ang Marawi sa kuko ng mga terorista.

Sakali mang mangyari iyon, haharap sa pinakamahirap na bahagi, pagkatapos ng labanan ang buong Marawi at ang pambansang pamahalaan — sa yugto ng muling pagbangon at rekonstruksiyon.

Dito higit na dapat maging matibay ang mga kapatid nating Maranao at sa bahagi ng pamahalaan, hindi dapat pumalya hanggang sa tuluyang maibangon ang buong Marawi.

Ang tanong lang natin, tapos na ba ang labanan sa Marawi? Naigupo na nga ba ang mga terorista?

Marami ang naghihintay na muling maitaas ang bandila ng Filipinas sa Marawi.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *