Friday , December 27 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Lumuluha ang Marawi sa ika-119 Araw ng Kalayaan

HABANG ipinagdiriwang ng buong bansa ang ika-119 Araw ng Kalayaan, kahapon, nagluluksa at walang kapantay ang kalungkutan ng mga pamilya ng 13 sundalo ng Philippine Marines na nautas sa pakikipagbakbakan sa mga teroristang gupong Maute/ISIS sa Marawi City nitong nakaraang Biyernes.

Para mailigtas laban sa mga terorista ang mga kapatid nating Maranao, magiting na nakipaghamok ang mga sundalo para mapalaya ang Marawi City sa kamay ng mga terorista.

Ganyan ang sinabi at ipinahayag ni Secretary Ernesto Abella.

Bago ito, kompiyansang inihayag ng Palasyo, lalaya na ang Marawi kasabay ng pagdiriwang ng ika-119 kalayaan ng bansa sa kuko ng mga dayuhang mananakop.

Marami ang naniwala nang ihayag iyon ng Palasyo, ibig sabihin kontrolado na nila ang gulo sa Marawi.

Hindi naman siguro maglalakas ng loob ang Palasyo na magsalita nang ganoon kung hindi nila tantiyado ang laban.

061317 Duterte Marawi ph flag

Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit marami ang pinanghinaan ng loob nang mabatid ang pagkautas ng 13 sundalo ng Philippine Marines.

Ayon sa Palasyo, ang insidente umano ang lalong nagpaigting sa pagnanais ng gobyerno na linisin ang Marawi sa mga kriminal, isalba ang mga sibilyan at ibalik ang kaayusan, seguridad at normal na sitwasyon sa siyudad at mga residente.

Sa katunayan, inamin nila na maging ang tropang Amerikano ay tumulong na sa kanila.

Personal nang nakiramay si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa mga naulilang pamilya ng mga sundalo nang dumating ang kanilang labi sa Villamor Airbase, Pasay City.

Kasunod nito, iuuwi na sila ng kani-kanilang pamilya kung saan sila ibuburol para sa ilang araw pang pagsasama at pagdadalamhati na dadaluhan ng mga kamag-anak at kaibigan.

Ilan lang sila sa mga buhay na naibuwis para iligtas ang Marawi sa kamay ng mga terorista. Ilan lang sila sa mga sundalong naiwan ang pamilya dahil sa pagsugpo sa terorismo — nabiyuda ang asawa at naiwan ang mga anak na paslit.

Ang sabi ng Palasyo, lalaya na ang Marawi sa kuko ng mga terorista.

Sakali mang mangyari iyon, haharap sa pinakamahirap na bahagi, pagkatapos ng labanan ang buong Marawi at ang pambansang pamahalaan — sa yugto ng muling pagbangon at rekonstruksiyon.

Dito higit na dapat maging matibay ang mga kapatid nating Maranao at sa bahagi ng pamahalaan, hindi dapat pumalya hanggang sa tuluyang maibangon ang buong Marawi.

Ang tanong lang natin, tapos na ba ang labanan sa Marawi? Naigupo na nga ba ang mga terorista?

Marami ang naghihintay na muling maitaas ang bandila ng Filipinas sa Marawi.

PEACE EXPERT BGen.
ROMEO LABADOR NEW
AIRPORT POLICE CHIEF

070316 miaa naia

MAKIKIRAAN lang po ang inyong lingkod sa ating mga suki, nais lang po nating bigyan ng pagkilala ang napakalaking pagbabago sa pamamalakad ng Airport police Department (APD) ngayon.

Ngayon lang po pupuri ang inyong lingkod dahil hindi natin mapigilan na hindi bumilib kay retired BGen. Romeo Labador, ang bagong talagang hepe ng Airport police.

Marami na tayong nakita at naobserbahan na Airport police chief, pero ibang-iba sa kanila si BGen. Labador.

Ayon mismo sa mga Airport police na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), maayos at makatao ang pamamalakad ni BGen. Labador.

Aba, peace expert nga e!

Pero ang isa sa higit na nakabibilib, walang palakasan sa kanya. Totoong trabaho lang ang kailangan niya.

Minsan nga raw, e mayroong nagyayang magkape.

Pero sorry, tinabla siya ni BGen. Labador.

Ang sabi raw e, “Sorry, kaya kong bumili ng kape.”

Arayku!

Hindi na tayo magtataka na kung ganyan manindigan sa kanyang prinsipyo si BGen. Labador, hindi malayong maitalaga siya bilang susunod na Assistant General Manager for Security & Emergency Services diyan sa Manila International Airport Authority (MIAA).

Saludo kami sa inyo, BGen. Labador!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *