ANG full glass front doors ay maaaring magpresenta ng feng shui challenge sa tahanan at sa negosyo (lalo na sa maliit na negosyo. Gayonman, ito ay very ge-neral statement dahil ang kompleto at wastong kasagutan ay depende sa maraming detalye ng pagkakatatag nito.
Sa feng shui – sa tunay, at wastong feng shui na talagang epektibo, kailangan ikonsidera ang lahat ng mga detalye na nakapaloob sa specific issue o erya na nais mong mapagbuti, o ikaw ay nangangamba.
Kung ikaw ay regular reader, batid mo ang po-wer at kahalagahan ng strong feng shui front door. Bilang
“Mouth of Chi”, ang enerhiya sa paligid ng front door ay higit na nakaiimpluwensiya sa kalidad ng enerhiya na pumapasok sa bahay (o negosyo).
Kailangan ng strong, powerful and balanced front door para makahikayat at maipamahagi, sa tulong ng smart feng shui design sa main entry – ang pinamagandang kalidad ng chi, o universal energy. Kung ang inyong space ay may sapat na potent chi, makikinabang dito ang i-yong kalusugan at lahat ng erya ng iyong buhay.
Ang front doors ay nakikita rin bilang powerful protectors, sa energy level, dahil ang front door ang main threshold sa pagitan ng outer world at inner world.
Sa full glass front doors, ang pangunahing concern ay ang kahinaan ng pintuan. Ito ay see-through door, kaya ang bahay ay walang proteksyon sa ano mang kalidad ng enerhiya na maaaring pumasok – good, bad, in-between, etc.
Ang sino man ay maaaring sumilip sa loob ng inyong bahay, na hindi very good feng shui.
Kaya para sa full glass front door na walang suporta katulad ng strong walls sa palibot nito, smart exterior landscaping, powerful main entry design, o may full glass back door na direktang naka-align dito, ito ay tiyak na bad feng shui front door. Habang ang full glass front door na suportado at pinatitibay ng lahat ng design elements sa palibot nito ay maaaring magbuo ng at least neutral feng shui.
ni Lady Choi