Friday , December 27 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Wala kang kadala-dala’ Sec. Vit Aguirre

AY ang aking kababayan… kaytagal matuto.

Ilang beses na bang nabibiktima ng kanyang pagiging taklesa si Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Hindi siya kasing ingat at singgaling (bagamat laging valedictorian) ng kanyang idolong si Niccolo Machiavelli…

Mas madalas, si Secretary Aguirre ay nagiging biktima ng kanyang sariling patibong.

Kumbaga sa pusa, nauuna pa siyang ma-swak sa bitag na inihanda para sa mga daga.

Ang siste, ilang beses na bang napapasok sa ganitong sitwasyon si Secretary Aguirre?

051117 Aguirre

Justice secretary pa naman pero hindi niya ‘natitimbang’ ang mga katuwiran at katotohanan.

Wala na rin siyang ipinag-iba sa kanyang mga inuupakan. Pare-pareho silang maiingay at dakdakan nang dakdakan lamang.

Miyerkoles ng umaga nang maglabas ng isang retrato si Aguirre na supposedly ay larawan ng mga nag-udyok umano ng gulo sa Marawi pero pagka-Miyerkoles ng gabi, iba na ang sinasabi — misquoted umano siya ng media.

Wattafak!?

Mismong ang grupo ng mga mamamahayag sa DOJ ay naglabas ng pahayag ukol sa ‘misquoted alibi’ ni Justice Secretary.

Aba matikas ba namang sabihin na, “What I said was that there were reports that some opposition senators and leaders went to Marawi to recruit local politicians and warlords to destabilize the Duterte administration.”

Hehehe…

Olat na nga humirit pa, e ‘di lalong nabokya.

Kung may ebidensiya, sampahan agad niya ng kaso, huwag nang magdadaldal pa!

Sabi nga ni Senator Ping Lacson, wala talagang kadala-dala si Secretary Aguirre…

Ay sus!

‘KORUPSIYON’ SA BICUTAN
METRO MANILA DISTRICT JAIL
TINUTUTULAN NA NG MGA PRESO

102816-prison-money

Patuloy ang pagsiklab ng riot sa loob ng Metro Manila District Jail (MMDJ) sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Sa huling ulat, naulit na naman ang riot nitong Biyernes ng gabi.

Ang sabi, ang riot umano ay sa pagitan ng Sputnik Gang at Bahala Na Gang.

Wala naman daw nasaktan kasi naka-padlock daw ang magkahiwalay na dormitory ng mga miyembro ng dalawang gang.

E bakit iniulat na may riot?!

Wattafak?!

Baka naman “noise barrage” ang naganap para tutulan ang grabeng korupsiyon ng ilang BJMP officials diyan?!

Ang press release ng BJMP, may utang daw na P5 milyon sa Meralco kaya naputulan sila ng koryente.

Kaya naburyong daw ang mga preso at nagwala.

Pero ayon sa ilang mapagkakatiwalaang impormante sa loob mismo ng BJMP, hindi utang ang dahilan kundi pumutok na transformer.

Ibig sabihin lampas sa kapasidad ng transformer ang nagagamit na koryente?!

Bakit?

May ‘hotel’ na ba ngayon sa loob ng MMDJ na pawang naka-aircon ang mga kuwarto kaya sumabog ang transformer?!

Ang hindi kayang magbayad o magbigay ng ‘butaw’ walang malalasap na ginhawa kahit hangin mula sa mainit na electric fan?!

Ganoon ba ang ibig sabihin no’n?!

Hanggang ngayon umano ay naka-lockdown ang MMDJ. Ibig sabihin hindi pinapayagan na makita ng mga preso ang kanilang mga dalaw.

Puwede raw hatiran ng pagkain o kaya ay gamot pero hindi puwedeng makita ng dalaw…

Wattafak!

E ano ang kasiguruhan ng mga dalaw ng inmates na buhay pa ang mga kaanak nila gayong ayaw ipakita sa kanila?!

Gusto rin natin tanungin, may nagaganap bang genocide sa MMDJ kaya ayaw iharap ang mga inmate sa mga kamag-anak o kapamilya nila?!

Baka naman isang umaga ay bulagain tayo ng isang malaking balita — mass suicide sa loob ng BJMP district jail?!

Ano ba sa palagay ninyo BJMP chief Jail Director Serafin Barretto?!

‘Napapalagay’ pa ba naman kayo kapag ganyan ang sitwasyon sa BJMP district jail?! Aba, kung sa bagay, wala ka naman sa loob, ikaw ay nasa labas, para pangalagaan ang mga inmate na hindi naman sentensiyado…

Ang tanong napapangalagaan nga ba, BJMP Director Barretto?

Just asking…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *