SUWERTE ang newcomer na si Joshua de Guzman dahil sa magagandang projects na natotoka sa kanya.
Una siyang napanood sa pelikulang Bubog ni Direk Arlyn dela Cruz. Agad nasundan ito ng The Maid In London ng CineManila.UK Ltd., na introducing na agad si Joshua sa pelikulang ito ni Direk Danni Ugali.
Ano ang role niya sa movie at ano ang reaksiyon niya sa mga opportunity na dumarating sa kanya ngayon?
Wika ni Joshua, “Ang role ko po sa The Maid In London ay si Nido, isa po akong Filipino na nakatira sa Tita ko sa London at naghahanap ng magandang kapalaran doon.
“Pang-second movie ko po ito pero rito po ay introducing na ako. Kasi, medyo mabigat na po ang role ko rito. Kaya masaya po ako at halos hindi po ako makapaniwala, kasi mahirap po talaga ang pumasok sa showbiz.”
Sa ngayon ay nagso-shooting pa sila sa London para sa pelikulang ito. Tampok dito sina Matt Evans, Andi Eigenmann, Polo Ravales, Janice Jurado, Rina Reyes, Channel Latorre, Tere Gonzales, Star Orjaliza, at iba pa.
Paano mo ide-describe si Andi Eigenmann as an actress? “Si Ate Andi po napakatahimik sa set pero once na nakilala mo na po siya, makuwento po siya. ‘Tsaka napaka-professional po, kapag nasa harap na po siya ng camera, laging take one.”
Inalalayan ka ba ni Andi sa movie at hindi ka ba nailang dahil established actress na siya at baguhan ka pa lang?
“Sa una po nakaka-kaba, pero siya po ang aalalay sa iyo para mawala ang takot mo kapag kaeksena mo siya.”
Ano ang masasabi mo kay Direk Danni?
“Si Direk Tatay din po ang manager ko. Very supportive po siya sa akin at saka nagkakasundo po kami sa mga plano namin sa showbiz career ko po.”
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio