Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Extra sweetness nina Angel at Richard, ‘di na bago

MASAYA at makabuluhang reunion para kina Angel Locsin at Richard Gutierrez ang pagsasama nila sa presscon ng La Luna Sangre na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Hindi pa rin naman kasi nalilimutan ng marami ang naging pagsasama noon nina Angel at Richard sa Mulawin ng Kapuso.

Nagkaroon ng sariling following ang ChardGel dahil maganda ang ipinamalas nilang chemistry sa mga sinakyan nilang karakter sa nasabing palabas.

Pero nasa past na ‘yun maski pa may tumawag ng Alwina kay Angel sa kanilang presscon.

Kaya, nang maging extra sweet ang dalawa sa palagayan nila, naintindihan naman ‘yun ng press. Dahil na rin sa haba ng pinagsamahan nila na muling mangyayari sa set ng La Luna.

Ayon kay Chard, “Ang sarap ng feeling na makakatrabaho ko ulit si Angel kasi sabay kami nag-start. It’s good to see familiar faces and work with them…Angel’s been a vital person in my career. It’s nice to do a reunion project.”

Tutuloy sa pelikula ang pagsasama nila with another Angel, the Panganiban sa Wife, Husband, Wife sa Star Cinema.

Wala namang nakikitang mga pagbabagong kailangang maganap sa muli nilang pagsasama ni Chard.

Kulang naman ang mga salita ng pasasalamat ni Chard sa mga blessing na dumating sa kanya ngayon. Being the family man he is now, hindi maikakaila may inspirasyon siya na nagtutulak para mas magsikap pa siya na tuparin at gampanan ang bagong oportunidad na inihain sa kanya.

Mga action scene ang aabangan kay Chard sa serye.

Halo ang reaksiyon ng netizens sa pagbabalik ng dalawa. May nega na ang itinapon ng kabila eh, sinalo ng katapat. Pero marami rin ang nagsasabing su-swak kay Chard ‘yung sinasabing he will bloom where he’s planted.

Tried and tested na sa mga naglipat-bahay ‘yan. ‘Di ba? Lilipad at lilipad sila and their wings won’t be clipped!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …