INANUNSIYO na kahapon ng Society of Philippine Entertainment Editors, Inc., (SPEEd) ang mga nominado para sa kanilang kauna-unahang award sa pelikula, ang The Eddys.
Ang Eddys Awards ay isa sa major projects ng SPEEd na ang layunin ay para lalong maengganyo ang mga manggagawa sa local entertainment industry, lalo na ang mga Pinoy filmmakers na unti-unting nakikilala sa labas ng Pilipinas.
Ang SPEEd ay samahan ng mga entertainment editors ng leading broadsheet at tabloids sa bansa na pinamumunuan ni Isah Red, kasalukuyang Entertainment and Lifestyle editor ng Manila Standard.
Gaganapin ang The Eddys Awards sa July 9, sa Kia Theater at magkakaroon ng telecast sa ABS-CBN.
Kompirmadong isa si Anne Curtis sa magbibigay kasiyahan sa awards night at magsisilbing host ang mag-amang Edu at Luis Manzano para sa nasabing event. Ang Eddys ay co-production ng ABS-CBN at Viva Live.
Magtutunggali para sa Best Film category ang mga pelikulang Pamilya Ordinaryo, Ang Babaeng Humayo, Everything About Her, Saving Sally, at Die Beautiful.
Maglalaban-laban naman para sa Best Actress sina Nora Aunor para sa Tuos, Vilma Santos para sa Everything About Her, Ai-Ai delas Alaspara sa Area, Jaclyn Jose para sa Ma’Rosa, Charo Santos-Concio para sa Ang Babaeng Humayo, Rhian Ramos para sa Saving Sally, at ang baguhang si Hasmine Killip para sa Pamilya Ordinaryo.
Sa Best Director naman ay maghaharap sina Jun Robles Lana para sa Die Beautiful, Lav Diaz para sa Ang Babaeng Humayo, Avid Liongoren para sa Saving Sally, Joyce Bernal para sa Everything About Her, at Eduardo Roy Jr. para sa Pamilya Ordinaryo.
Ang mga actor na sina Daniel Padilla para sa Barcelona: A Love Untold, Paolo Ballesteros para sa Die Beautiful, Enzo Marcos para saSaving Sally, Dingdong Dantes para sa The Unmarried Wife, at Ronwaldo Martin para sa Pamilya Ordinaryo naman ang maglalaban sa Best Actor category.
Special awards ang ibibigay kina King of Talk na si Boy Abunda sa Joe Quirino award, Lav Diaz sa Manny Pichel award, at ang Regal Matriarch na si Mother Lily Monteverde bilang Most Active Producer of the Year.
Narito pa ang ibang mga nominado: Best Supporting Actress— Barbie Forteza, Tuos; Aiko Melendez, Barcelona; Maria Isabel Lopez, Pamilya Ordinaryo; Angel Locsin, Everything About Her; at Gladys Reyes, Die Beautiful; Best Supporting Actor—Joel Torre, Die Beautiful; Christian Bables, Die Beautiful; John Lloyd Cruz, Ang Babaeng Humayo; Xian Lim, Everything About Her; at Moira Lang,Pamilya Ordinaryo; Best Original Story—Pamilya Ordinaryo, Everything About Her, Saving Sally, Ang Babaeng Humayo, at Die Beautiful;
Best Screenplay—Pamilya Ordinaryo, Everything About Her, Saving Sally, Ang Babaeng Humayo, at Die Beautiful; Best Cinematography—
Pamilya Ordinaryo, Everything About Her, Saving Sally, Seklusyon, at
Die Beautiful; Best Music Design—Saving Sally, Die Beautiful, Everything About Her, Ma’Rosa, at The Unmarried Wife; Best Production Design—Pamilya Ordinaryo, Everything About Her, Saving Sally, Ang Babaeng Humayo, Die Beautiful, at Seklusyon; Best Sound Design—Pamilya Ordinaryo, Everything About Her, Saving Sally, Ang Babaeng Humayo, at Die Beautiful;
Best Editing—Pamilya Ordinaryo, Ma’Rosa, Everything About Her, Saving Sally, at Die Beautiful; Best Theme Song—Everything Refuses to Move nina Hannah at Gabi mula sa Saving Sally (sole nominee).
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio