Saturday , November 16 2024

Anak ng sultan, 5 elders, 3 pinoys hinatulan ng bitay sa Sabah standoff

HINATULAN ng kamatayan ang siyam Filipino, na kinabibilangan ng isang anak ng sultan, limang matatanda at tatlo pang Pinoy, sa Malaysia bunsod nang pakikigiyera sa mga awtoridad sa nasabing bansa, ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), nitong Huwebes.

Ayon sa DFA, iniulat ng Philippine Embassy sa Kuala Lumpur, pinagtibay ng Malaysia’s Court of Appeals ang desisyon ng High Court, makaraan makombinsi na naglunsad ng giyera ang siyam Filipino laban sa hari ng nabanggit na bansa.

Ngunit imbes life imprisonment na hatol ng High Court, nagdesisyon ang Court of Appeals na patawan ang mga akusado ng kamatayan.

Gayonman, ang desisyon ng Court of Appeals ay hindi pa pinal dahil diringgin pa ito ng Federal Court of Malaysia “under automatic appeal.”

Sinabi ng DFA, nagkaloob sila ng legal assistance at iba pang uri ng tulong sa lahat ng akusado.

“[We] will continue to extend assistance to them as their case progresses,” dagdag ng DFA.

Kinilala ang mga hinatulan na sina Datu Amirbahar Hushin Kiram, 54, anak ni late self-proclaimed Sulu sultan Jamalul Kiram; limang senior citizens na sina Ismail Yasin, 77; Julham Rashid, 70; Salib Akhmad Emali, 64; Tani Lahad Dahi, 64; Al Wazir Osman alias Abdul, 62;
at tatlo pa na sina Virgilio Nemar Patulada alias Mohammad Alam Patulada, 53; Atik Hussin Abu Bakar, 46; at Basad Manuel, 42.

Nitong nakaraang taon, hinatulan ng Kota Kinabalu High Court ang mga Filipino ng life imprisonment “for waging war against the Yang di-Pertuan Agong under Section 121 of the Penal Code,” ngunit naghain ng apela ang prosekusyon.

Ang siyam Filipino ay nasangkot sa 2013 standoff, nang daan-daan militante mula sa Tawi-tawi ang nagtungo sa Lahad Datu sa Sabah, Malaysia at nakipagsagupa sa Malaysian forces.

Tinawag ng grupo ang kanilang sarili bilang “Royal Security Forces of the Sultanate of Sulu and North Borneo.”

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *