Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ria Atayde, mixed emotions ang nararamdaman sa nalalapit na pagtatapos ng My Dear Heart

MAGKAHALONG lungkot at saya ang nararamdaman ni Ria Atayde sa nalalapit na pagtatapos ng TV series nilang My Dear Heart. Next week na ang huling linggo ng seryeng ito.

Ang naturang serye ng Kapamilya Network ang masasabing biggest break so far ni Ria. Bukod sa mas malaman ang role niya rito kompara bilang si Teacher Hope sa Ningning, nasa primetime ang magtatapos nilang serye na tinatampukan din nina Coney Reyes, Zanjoe Marudo, Bela Padilla, Nayomi ‘Heart’ Ramos, at iba pa.

“The show is very close to my heart. Sobra! I’m just grateful to the show. Sobrang laki ng naitulong nito sa akin. Sobrang grateful talaga. Sobrang naka-o-overwhelm pa rin hanggang ngayon that I’m slowly achieving my dreams,” pahayag ni Ria.

Esplika ng magandang aktres, “Mixed emotions po ang nararamdaman ko sa pagtatapos ng show, masayang-malungkot. Masaya po ako kasi maganda po iyong mga nagiging review sa show at marami pong sumubaybay.

“Malungkot po, kasi mami-miss ko po mga katrabaho ko, both on and off screen. Proud and grateful po, kasi ang ganda po ng kinalabasan ng show at ang ganda po ng naging pagtanggap ng tao sa My Dear Heart.”

Samantala, sumabak na rin sa pelikula si Ria. Debut film ng anak ni Ms. Sylvia Sanchez ang “Can We Still Be Friends” na tinatampukan nina Gerald Anderson at Arci Muñoz. Ang naturang pelikula ay showing na sa June 14.

Ipinahayag ni Ria ang pagka-overwhelm sa pagkakataong makasama siya sa nasabing pelikula. “I’m still very overwhelmed that I was given the chance to be a part of a movie. Kinikilig pa rin po ako. As my first movie, I couldn’t have chosen a better one.”

Binanggit din niya ang role sa pelikulang ito. “Ako po si Cindy sa movie. Yung parang ‘rebound’ ni Diego (Gerald Anderson).”

Ano ang masasabi mo sa mga kasama mo sa mo-vie lalo na sina Gerald at Arci? Pati na rin sa direktor ninyo?

“Sina Gerald, Arci, and Bryan Sy lang po ‘yung nakasama at nakatrabaho ko. Ang saya po nilang kasama at kausap. Si Arci rin po, before kasi this, magka-kilala na kami. So, mas nag-enjoy din po ako. Tapos ‘yung people behind the scenes, sobrang chill lang po, so masaya po.

“Si Direk Prime (Cruz) is very refreshing, ang husay din po niya,” saad ng aktres.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …