Friday , November 22 2024

Hindi raw rebelyon o pananakop ang ginagawa ng Maute sa Marawi City (Sa abot ng kakayahang umunawa ni Sen. Risa Hontiveros)

ISANG nakatatawang palitan ng komento ang napanood natin sa isang video na kinakapanayam ni Kuya Daniel Razon ng UNTV si Senator Risa Hontiveros ukol sa nagaganap na labanan sa Marawi City.

Ayon mismo kay Senator Risa Hontiveros, hindi umano rebelyon o pananakop ang ginagawa ng Maute/ISIS Group sa Marawi City.

Wattafak!?

Para raw tawaging rebelyon o pananakop, dapay ay kagaya sa Zamboanga na mayroong siege.

Ayon kay Madam Hontiveros, ang invasion daw, dapat ay may armadong puwersa mula sa labas papasok sa isang lugar na may intensiyong sakupin o kontrolin ang mga tao roon na may pamimilit at karahasan.

Ano kamo!? Alien ba!?

Mukhang hindi pa rebelyon at karahasan ang tingin ni Senator Hontiveros sa ginagawa ng Maute sa Marawi gayong grabe nang prehu-wisyo ang ginagawa nito sa mga mamamayan.

Utak-Maute ka na ba Madam Senator?

Durog-durog na ang mga estrukturang pribado, publiko at maging ang mga itinuturing na banal na pook ay nawasak na rin.

Ilan na ang mga namatay sa sagupaan ng tropang gobyerno at ng Maute/ISIS?

Ano pa kaya ang gustong itawag ni Senator Risa sa nagaganap na ‘yan sa Marawi?

Computer war games?!

Kakaiba kang talaga, Senadora Risa!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *