NAGING viral sa internet ang video ng isang sanggol na agad lumakad makaraan isilang.
Sa loob lamang ng tatlong araw, ang video ay nagkaroon ng 70 milyon views at mahigit 1.6 milyon shares.
Sa nasabing video, ang sanggol, habang hawak ng doktor, ay nagsimulang lumakad, ilang minuto lamang makaraan siyang isilang.
Ang video ay ini-upload sa Facebook at makaran ang tatlong araw ay agad naging viral.
Ang wastong gulang ng sanggol para makapagsi-mulang maglakad ay 12-buwan; kaya kagila-gilalas ang ipinamalas ng nasa-bing sanggol.
Hindi pa batid kung ito ay bahagi lamang ng primitive reflexes o bagay na kakaiba.
Ang primitive reflexes ay reflex actions na nagmumula sa central nervous system na naoobserbahan sa mga normal na sanggol, ngunit sa neurologically intact adults, ito ay bilang tugon sa partikular na stimuli.
Wala pang napapaulat na posibleng dahilan ng insidente.
(thehealthsite.com)