Friday , December 27 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

NC Lanting Security and Watchman Agency may integridad pa ba?

LANTING, so familiar…

Lahat ng guwardiyang nasasalubong natin sa NAIA ang nakikita nating tsapa at nameplate ay Lanting.

Ilang dekada na ba ang Lanting sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)?

Mantakin ninyong hindi pa yata naitatayo ang Resorts World Manila (RWM) ‘e nakatimbre na ‘yang lanting para manalo sa bidding.

Kung hindi tayo nagkakamali, ang may-ari niyan ay si Ms. Nympha Lanting.

Panahon pa ni dating Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Manda, marami na tayong naririnig na problema sa mga security guard ng Lanting.

sicurezza

Kasi nga, dahil sa kagustuhan nilang manalo sa bidding, binababaan nila ang costing at ang kukunin nila ay mga undertrained personnel or watchman.

Huwag na tayong lumayo ng eksampol — ‘yung seguridad nila sa Resorts World Manila.

Nang mangyari ang casino tragedy ay gabi.

Ang nakaposteng front guard na pinasukan ng gun man ay nag-iisang babae.

Sonabagan!!!

Tingnan ninyo. Gabi, babae at nag-iisa. Hindi natin minamaliit ang kakayahan ng isang babae.

Ang pinag-uusapan natin dito ay seguridad!

Kung babae man ang gusto ng Resorts World Manila, e ‘di female team ang ilagay. Hindi ‘yung nag-iisa lang!

Kung sa entrance pa lang ay binigo na ng security guard ang pag-atake ni Jessie Javier Ramos, e di hindi na sana nangyari ang pagkamatay ng maraming tao.

Anyway, sabi nga ‘e, may dahilan kung bakit nagaganap ang mga ganyang insidente.

Ito na siguro ang tamang panahon para ilantad ang tunay na sistema ng Lanting. At magsilbing babala sa mga establisyementong kumukuha ng kanilang serbisyo.

O kung talagang seryoso sila, ayusin nila ang kanilang serbisyo, deployment at kumuha ng security guard na maaasahan at may maayos na training.

Kahit na sandamakmak na imbestigasyon pa ang gawin ng Kamara, kung hindi pansamantalang sususpendihin ang serbisyo ng Lanting, hindi tayo sigurado na hindi na mauulit ang kagayang insidente.

Hindi kailangang matapos muna ang imbestigasyon ng Kamara bago suspendihin ng Resorts World ang serbisyo ng Lanting…

O suspendihin muna ng PNP-SOSIA ang lisensiya ng mga guwardiya ng Lanting?!

Or else… baka maging the end na rin ng career ng Resorts World sa leisure, recreation and entertainment industry?!

SANDAMAKMAK
ANG KUWARTA
NG MAUTE GANG

060717 Maute money Marawi

P10 milyon at dalawang tig-P5 milyon ang alok ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na patong sa ulo laban sa Maute leaders.

Pero mas nagulat ang mga kagawad ng Philippine Marines nang makita sa isang bahay na napasok nila na sandamakmak ang kuwarta ng Mauten ‘este Maute.

Bundle-bundle na kuwarta na kung titingnan at aamuyin e mukhang kagagaling lang sa banko?!

Kung totoo ang tingin natin na galing nga sa banko ang nasabing kuwarta, mas madaling imbestigahan ‘yan.

Sa bawat bundle kasi nakalagay diyan kung anong banko at saang branch galing at kailan ini-release.

Kaya madaling-madaling i-trace lalo na kung makikipagtulungan ang banko.

Pero ang isa nating gustong isipin dito, pambayad ba ng Maute ‘yan sa mga makapagtuturo at makahuhuli sa kanila?!

O pambili ba ‘yan ng mga hi-end and sophisticated na armas nila?!

Aba kung ganyan kalaki ang pondo ng Maute, delikado pala talaga ang tropang gobyerno sa kanila.

Kaya naman pala kinukupkop sila ng taongbayan dahil marami silang kuwarta.

Tsk tsk tsk…

Matapos kaya ang labanan sa Marawi City bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Digong sa Hulyo 24?

‘Yan ang aabangan natin.

PAANO NAKALUSOT
ANG DAYUHANG ISIS!?

060817 ISIS PH editorial cartoon

SA mga kaganapan sa Marawi at iba pang lugar sa Mindanao na sinasabing kasama ang ilang banyaga partikular ang Indonesians at Malaysians na miyembro ng ISIS, dapat maging maingat ang lahat lalo na ang Immigration Officers sa pag-iinspeksiyon ng mga dokumento ng mga pumapasok sa lahat ng pangunahing airports.

Lumalabas kasi na karamihan sa foreigners ay diyan pa mismo dumaraan sa tatlong terminals ng NAIA?!

Nagiging ‘lax’ din kasi minsan ang pagrepaso sa travel documents pagdating sa mga nabanggit na nationalities.

Karamihan kasi focus lang pagdating sa mga banyaga na kabilang sa restricted countries gaya ng India, Saudi Arabia at iba pang middle eastern countries.

Pagdating sa mga karatig- bansa dito sa Asia na karamihan ay “visa free” hindi na gaano itong pinapansin. Basta may maipakitang return ticket, hotel booking at iba pa.

Hindi kaya mas mabuti kung bawasan na lang ang allowable stay ng ilang bansa gaya ng Indonesia na sinasabing pinagmumulan ng ilang ISIS members?

Sa ngayon ay EO408 or 30 days ang admission or allowable stay para sa Indonesians at ang bilang na ito ay sapat para makapag-organize ng plano ang mga terorista para manggulo sa ating bansa.

Kung bibigyan sila ng limitadong pamamalagi, iikli ang panahon nilang mag-organisa ng isang sindikato o plano para bumuo ng puwersa laban sa bansa natin!

Sana naman ay mapag-aralan nina Immigration Commissioner Bong Morente at dalawang associate commissioners ang bagay na ito!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *