Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, hirap magmatapang sa role

ISA sa pangarap ni Kris Bernal na 11 taon na sa showbiz ang magkaroon ng award mula sa kanyang mga ginagawang proyekto.

Ayon kay Kris, “Ito, umaasa rin ako sa role (kasalukuyang serye) na ito kasi bida-kontrabida siya.

“So, pinagbubutihan ko kasi gusto ko makita ng tao ‘yung difference ng dalawa.”

Kuwento nga nito sa kanyang role, “Pareho ‘yung mukha, ‘di ba.  Kung pareho ‘yung acting, eh, ‘di wala na, pangit na.

“So, rito mo makikita na talagang pinag-aralan ko, dahil inupuan ko talaga, isinulat ko talaga ‘yung pagkakaiba nila. Nag-workshop din talaga ako.”

Si Cherie Gil ang peg niya sa role niya. “Si Ms. Cherie Gil ‘yung peg ko for Rosette, medyo close roon kasi very class and very poised.

“Si Sunshine (Dizon) kasi puwede ko siya i-peg kay Nimfa, roon sa mahirap na character na lumaking hindi maganda.

“Pero since sanay ako roon sa inaapi ako palagi, dahil ‘yun ang role na natatanggap ko palagi, so ok na sa akin ‘yung iyak ng iyak.

“Pero yung maging matapang, ‘yun ‘yung medyo alanganin ako,” pagtatapos ni Kris.

(JOHN FONTANILLA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …