Thursday , December 26 2024

Sino ang protector ng ‘kolorum’ na Billy Boy Bus!? (Attention: LTO, LTFRB, PNP-TMG at MMDA)

MAY ‘hangover’ pa ang sambayanang Filipino sa naganap na trahedya sa casino sa Resorts World Manila (RWM) nitong Biyernes ng gabi.

At hanggang ngayon nagkukumahog pa ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan kung paano iaabsuwelto o ididiin ang management at ang may-ari ng Resorts World dahil sa pagkamatay ng 37 katao sa kagagawan ng isang adik sa casino, na paglaon ay nagpakamatay din umano.

Pero ang hindi nakikita ng mga ahensiya ng pamahalaan na sangkot sa pampublikong transportasyon ang nagbabantang malaking trahedya kapag naaksidente o nadisgrasya ang isang kolorum na bus na nagyayaot mula Catbalogan, Samar patungong Maynila!

Ang kolorum BILLY BOY bus na kilalang-kilala sa tagal na bumibiyahe na punong-puno at baka overloaded pa dahil mas mababa ang pasahe nila kompara sa mga bus na mayroong prangkisa at nagbabayad ng buwis sa pamahalaan.

Iniisip pa lang natin ay kinikilabutan na tayo.

Sonabagan!!!

Ano ang mangyayari sa mga pasahero ng Billy Boy bus kung kolorum sila?!

Ano ang habol ng mga pasahero sa nasabing kompanya kapag naaksidente ang bus?!

Nganga na lang sila?!

INIREREKLAMO ng mga pasahero ang Billy Boy bus na bumibiyahe patungong Catbalogan, Samar dahil sa kakulangan nito ng mga kaukulang palatandaan gaya ng body number at iba pang itinatakda ng LTFRB. Nagtataka ang mga pasahero kung bakit nakabibiyahe ang isang bus na tila kolorum gaya ng makikita sa larawan.
INIREREKLAMO ng mga pasahero ang Billy Boy bus na bumibiyahe patungong Catbalogan, Samar dahil sa kakulangan nito ng mga kaukulang palatandaan gaya ng body number at iba pang itinatakda ng LTFRB. Nagtataka ang mga pasahero kung bakit nakabibiyahe ang isang bus na tila kolorum gaya ng makikita sa larawan.

Ayon sa mga pasaherong nagrereklamo, ang Billy Boy bus ay hinuli kasama ang iba pang kolorum na bus nitong nakaraang linggo ng LTFRB Region 5.

LTFRB Region 5 director Jun Abrazado, oplan-huli ba o oplan-pakilala ang ginawa ng mga bataan mo!?

Karamihan ng mga nahuli ay pinagko-comply umano ngayon sa mga rekesitos na inire-require ng gobyerno.

Pero ang nakapagtataka, bakit patuloy na bumibiyahe sa national highway ang Billy Boy bus?! Ang kanilang biyahe mula Catbalogan, Samar hanggang Pasay EDSA and vice versa ay 24/7 kahit wala namang prangkisa?!

Anak ng kolorum talaga!!!

Kung makikita nga ninyo ang Billy Boy bus, mayroong body number sa harap ng sasakyan pero sa likod wala!

Wattafak!?

Halatang-halata na kolorum pero nakapagtatakang nakalulusot sa Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Philippine National Police (PNP), Traffic Management Group (TMG)  at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Bakeeet?!

LTFRB Region 5 director Jun Abusado ‘este Abrazado, alam ba ninyong ang prangkisa ng Billy Boy bus ay from Catbalogan, Samar to Leyte lang?!

Bakit umaabot sila riyan sa teritoryo (Bicol) mo hanggang Pasay!?

Ibig sabihin, nalulusutan kayo ng mga kolorum?!

O may magandang ‘cashunduan’ ang Billy Boy sa opisina n’yo!?

LTFRB chairman, Atty. Martin Delgra III, ang mga tao mo ba’y nanghuhuli talaga o nagpaparamdam sa mga kolorum!?

Ang LTO, PNP, TMG, at MMDA, mukhang areglado na dahil ang tatapang ng mukhang gumarahe riyan sa Pasay EDSA ng Billy Boy bus?!

Pakisagot lang po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *