Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Sino ang protector ng ‘kolorum’ na Billy Boy Bus!? (Attention: LTO, LTFRB, PNP-TMG at MMDA)

MAY ‘hangover’ pa ang sambayanang Filipino sa naganap na trahedya sa casino sa Resorts World Manila (RWM) nitong Biyernes ng gabi.

At hanggang ngayon nagkukumahog pa ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan kung paano iaabsuwelto o ididiin ang management at ang may-ari ng Resorts World dahil sa pagkamatay ng 37 katao sa kagagawan ng isang adik sa casino, na paglaon ay nagpakamatay din umano.

Pero ang hindi nakikita ng mga ahensiya ng pamahalaan na sangkot sa pampublikong transportasyon ang nagbabantang malaking trahedya kapag naaksidente o nadisgrasya ang isang kolorum na bus na nagyayaot mula Catbalogan, Samar patungong Maynila!

Ang kolorum BILLY BOY bus na kilalang-kilala sa tagal na bumibiyahe na punong-puno at baka overloaded pa dahil mas mababa ang pasahe nila kompara sa mga bus na mayroong prangkisa at nagbabayad ng buwis sa pamahalaan.

Iniisip pa lang natin ay kinikilabutan na tayo.

Sonabagan!!!

Ano ang mangyayari sa mga pasahero ng Billy Boy bus kung kolorum sila?!

Ano ang habol ng mga pasahero sa nasabing kompanya kapag naaksidente ang bus?!

Nganga na lang sila?!

INIREREKLAMO ng mga pasahero ang Billy Boy bus na bumibiyahe patungong Catbalogan, Samar dahil sa kakulangan nito ng mga kaukulang palatandaan gaya ng body number at iba pang itinatakda ng LTFRB. Nagtataka ang mga pasahero kung bakit nakabibiyahe ang isang bus na tila kolorum gaya ng makikita sa larawan.
INIREREKLAMO ng mga pasahero ang Billy Boy bus na bumibiyahe patungong Catbalogan, Samar dahil sa kakulangan nito ng mga kaukulang palatandaan gaya ng body number at iba pang itinatakda ng LTFRB. Nagtataka ang mga pasahero kung bakit nakabibiyahe ang isang bus na tila kolorum gaya ng makikita sa larawan.

Ayon sa mga pasaherong nagrereklamo, ang Billy Boy bus ay hinuli kasama ang iba pang kolorum na bus nitong nakaraang linggo ng LTFRB Region 5.

LTFRB Region 5 director Jun Abrazado, oplan-huli ba o oplan-pakilala ang ginawa ng mga bataan mo!?

Karamihan ng mga nahuli ay pinagko-comply umano ngayon sa mga rekesitos na inire-require ng gobyerno.

Pero ang nakapagtataka, bakit patuloy na bumibiyahe sa national highway ang Billy Boy bus?! Ang kanilang biyahe mula Catbalogan, Samar hanggang Pasay EDSA and vice versa ay 24/7 kahit wala namang prangkisa?!

Anak ng kolorum talaga!!!

Kung makikita nga ninyo ang Billy Boy bus, mayroong body number sa harap ng sasakyan pero sa likod wala!

Wattafak!?

Halatang-halata na kolorum pero nakapagtatakang nakalulusot sa Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Philippine National Police (PNP), Traffic Management Group (TMG)  at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Bakeeet?!

LTFRB Region 5 director Jun Abusado ‘este Abrazado, alam ba ninyong ang prangkisa ng Billy Boy bus ay from Catbalogan, Samar to Leyte lang?!

Bakit umaabot sila riyan sa teritoryo (Bicol) mo hanggang Pasay!?

Ibig sabihin, nalulusutan kayo ng mga kolorum?!

O may magandang ‘cashunduan’ ang Billy Boy sa opisina n’yo!?

LTFRB chairman, Atty. Martin Delgra III, ang mga tao mo ba’y nanghuhuli talaga o nagpaparamdam sa mga kolorum!?

Ang LTO, PNP, TMG, at MMDA, mukhang areglado na dahil ang tatapang ng mukhang gumarahe riyan sa Pasay EDSA ng Billy Boy bus?!

Pakisagot lang po!

AKSIYONG KULELAT
SA CASINO TRAGEDY

060517 Resorts world manila Carlos

Heto na, matapos ang tila action film na casino tragedy sa Resorts World Manila, starring the late Jessie Javier Carlos, the bankrupt ex-government worker bilang casino ‘este tax specialist sa Department of Finance (DoF), bigla na namang nagising at nabuhay ang dugo (na parang nakatira ng Viagra o Red Ginseng) ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Nagkukumahog ang Department  of Tourism (DOT), Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR), PNP SOSIA, Bureau of Fire Protection (BFP) at maging ang House of Representatives (HOR) sa iba’t ibang imbestigasyon na gusto nilang gawin.

It’s epal time nga naman, ‘di ho ba!?

Lahat ngayon magagaling o nagmamagaling.

Maraming sinasabi na ‘dapat ganito’ at dapat ‘dapat ganoon.’

“Iimbestigahan natin ‘yan.” Kesyo marami raw silang nakitang mali at butas sa Resorts World.

O ‘di ba?

Sandamakmak na imbestigasyon ang gagawin nila ngayon…

Sonabagan!

Bakit ngayon lang kayo nagpapakita ng inyong mga galing matapos ang casino tragedy?!

Lumalabas tuloy na bayani pa ‘yang ‘the late Jessie Javier Carlos’ dahil kung hindi dahil sa pagkaburyong niya ay hindi matutuklasan ng publiko na palpak pala ang pagkakagawa o sistema sa RW building!?

Ngayon lang naisipan ng PAGCOR na tasahin kung gaano kaayos ang kakayahan ng RWM sa pagtugon sa mga sakuna, gaya ng sunog at lindol.

Ayon naman kay Tourism Assistant Secretary Ricky Alegre, mahigpit raw silang makikipagtulungan sa PAGCOR para rito upang hindi na maulit ang kagayang trahedya.

Ang Kamara, sa NAIA terminal 3 magsasagawa ng imbestigasyon.

At siyempre doon sila magagaling sa puro imbestigasyon.

Palakpakan!!!

Mga bossing, hindi ba puwedeng sa susunod ‘yung talino at galing ninyo ‘e gamitin ninyo kapag wala pang trahedya, sakuna o kalamidad?

Ang gagaling…magaling sa pagiging kulelat…

Araykupo!

HAPPY NATAL DAY
NAIA GM ED MONREAL!

060717 miaa naia Monreal

Marami nang nagdaang general manager sa Manila International Airport Authority (MIAA), pero aaminin ko sa inyo na ngayon lang tayo babati —

Happy birthday General Manager Ed Monreal, Sir!

Hangad ng inyong lingkod na kayo’y makapagdaos pa ng maraming birthday diyan sa Airport.

Bilib kasi ang marami sa pagiging hands on inyo sa pamamalakad sa NAIA.

Mabilis umaksiyon. Hindi na kailangan magdalawang salita at lalong hindi kailangan maghintay kapag mayroong mga puna.

Walang bolahan, aksiyon agad!

At kahit sinong nagpupunta sa Airport ay mapapatunayan ‘yan. Malinis, maayos, maluwag walang kung ano-anong nakaharang.

Higit sa lahat hindi mukhang palengke!

Sa totoo lang, sa ganda at husay ng performance ni GM, puwedeng-puwede na siyang maging Undersecretary ng Department of Transportation (DOTr).

Puwede naman siyang USEC at the same time ay GM ng MIAA, hindi ba?!

Again happy birthday, GM Ed Monreal!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *