Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pelikula nina Alden at Maine, kasado na

ISA sa mami-miss ni Pambansang Bae Alden Richards sa pagtatapos ng kanilang teleserye ay ang magandang samahan at bonding ng kanyang mga co-artist at staff sa set.

Tsika ni Alden, “Sa lahat naman ng trabaho ang importante ‘yung may bonding kayo.

“Kahit malayo ‘yung location at inaabot kayo ng madaling-araw sa set, ‘yung bonding ang nakakawala ng pagod. ‘Yun ang nami-miss naming.”

At kahit nga ang fans nina Alden at Maine Mendoza ay nabitin sa pagsasara ng kanilang serye at nagre-request na magkaroon ngpart two o kaya naman ay bagong soap ang dalawa.

Pero mukhang magsasaya ang Aldubnation dahil ang balita namin ay nasa planning stage na ang gagawin na second team-up movie nima Alden at Maine, kaya abangan na lang nila kung kailan ang simula ng shooting nila.

Sa ngayon ay regular na napapanood ang dalawa sa Eat Bulaga habang si Alden naman ay may Sunday Pinasaya every Sunday.

RESORT SA BULACAN, PUNTAHAN
NG MGA CELEBRITY

060717 jeds
BUKOD sa paboritong pasyalan ng buong pamilya ang Jed’s Island Resort na binuksan sa publiko noong 1995 na matatagpuan sa Calumpit, Bulacan, kinahuhumalingan din itong puntahan ng mga celebrity.

Ang Jed’s Island Resort ay may temang Hello Kitty at mayroong 30 swimming pools bukod sa very affordable ang presyo nila.

“Ilan nga sa mga celebrity na nagtungo ngayong summer para mag- perform ay ang Callalily, Addy Raj, 6Cyclemind, James Wright, Pedicab, Ivan Dorschner, Mara Alberto, Prince Clemente, Jay Arcilla, Lharby Policarpio, Hiro Peralta, Banda Ni Kleggy, Isabelle de Leon, Imago, T.O.P, Gracenote, Dave Bornea, Yasser Marta, Ralf King, Moonstar88, Kenneth Medrano, Smugglaz, Shernan, M Zhayt, Ayra Mariano, Miggy Tolentino, Carl Cervantes, Arianne Bautista, Phytos Ramirez, Joel Palencia, 1:43, Prince Villanueva & Mike Tan, Hashtags atbp..

“Kasama rin ang mga DJ ng Brgy LSFM  na sina Papa Marky, Papa Baldo, Papa Buboy, Papa Dudut, Papa Kiko, Papa Carlo, at Papa Bol.”

Kuwento nina Katricia Carlos at Mary Jane Santos sobrang hands on  ang may-ari ng resort na si Joel Danganan. “Naku sobrang hands on ang may-ari, mula sa pinakamataas na trabaho hangang sa pinakamababa siya ‘yung humahawak ganoon siya ka hands on.

“Ni maliit na bagay dito siya talaga kung ano ‘yung nakikita n’yo rito siya ‘yun, idea niya ‘yun.

May sariling tagline ang resort. Actually ang dami like, The Largest Resort in Central Luzon 24 hours Open to Summer Fun visits Jed’s Islands Resort.

At kahit nga kami sampu ng aking pamilya ay nag-enjoy ‘di lang sa swimming kung hindi pati sa pagpapa-picture taking sa mga life size characters at sa magandang serbisyo at mababait na staff nito.

Kaya naman nagpapasalamat kami sa napakabait at generous na may-ari nitong si Mr. Danganan at Ms Beng  kay Mama Belle ng Brgy. LSFM.

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …