BINALAAN ng Duterte Youth, isang organisasyon ng mga kabataan na sumusuporta sa kasalukuyang administras-yon, ang Commission on Elections (Comelec) na posibleng maulit ang pandaraya ng Smartmatic kapag hinayaan na muling magkaroon ng partisipasyon sa anomang automated election sa bansa sa hinaharap.
Sa isang liham kay Comelec Chairman Andres Bautista, sinabi ng grupo na pinamumunuan ni Ronald Cardema, nakahanda silang makipag-dialogo sa Commission En Banc sa darating na 13 Hunyo, 10:00 am, para ipakita sa pamagitan mg audio-visual presentation ang sinabing maraming paglabag na nagawa ng Smartmatic sa nakalipas na national at local elections.
Ayon kay Cardema, hindi na dapat makasali ang Smartmatic sa nakatakdang bidding sa Disyembre para sa service provider na magsasagawa ng mid-term election sa ilalim ng Duterte administration.
Giit niya, dapat ma-diskuwalipika sa ano-mang bidding ang natu-rang foreign service provi-der at i-blacklist sa pagsasagawa ng anomang automated election sa hinaharap upang hindi na maulit ang malawakang dayaan na naganap noong 2016 national at local polls.
“As part of our youth advocacy, we are mindful of the forthcoming bidding this December for the service provider who will qualify to conduct the mid-term election under the Duterte administration,” pahayag ng grupo.
“Hence, we have decided to take an active part to ensure that violation made in the past will not be repeated to ensure that the genuine will of the electorate will no longer be dependent on the sole caprice of a foreign service provider like Smartma-tic.”
Magugunitang kinasuhan ng kampo ni dating Senador Bongbong Marcos ang mga opisyal ng Smartmatic dahil sa hindi awtorisadong pagpapalit ng script sa server kasunod nang biglang pag-angat ng bilang ng boto ng naiproklamang si Bise Presidente Leni Robredo na nakalaban ni Marcos sa vice presidential race.
May mga ulat din na gumamit ang Smartma-tic ng secret server noong nakaraang eleksiyon, isang paglabag sa batas na nagsasaad na ang resulta ng eleksiyon ay dapat direktang mula sa transparency server.
Iniba rin umano ng Smartmatic ang proseso noong nakaraang eleksiyon kung kaya ang mga resulta, na naka-televise pa, ay mistulang naharang sa tinatawag nilang ‘meet me room’ o ang secret o fourth server.
Lalo pa umanong nagdiin sa pakikialam ng Smartmatic sa election results ang nakapagtatakang paglilihim nito sa fourth server sa publiko at ang kawalan ng watchers dito.
Dagdag rito, ang secret server ay hindi umano sumailalim sa source code review, walang nagbabantay na publiko rito dahil pawang Venezuelans ang may access, at tanging ang Smartmatic ang may kontrol nito.