Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Asawa may ibang ka-sex at tubig sa dream

Señor H,

Nanaginip din ak0, may iba raw ka sex ang asawa k0…at palagi rin ak0 nanaginip ng tubig p0. (09464206844)

To 09464206844,

Ang ganitong tema ng panaginip ay nagha-highlight sa iyong insecurities at ng iyong takot o pangamba na ikaw ay maabandona o iwanan ng minamahal sa buhay.

Posible na nakakaramdam o naiisip mo na ikaw ay nababalewala o kaya naman, ikaw ay taken for granted. Pakiwari mo ay hindi ka nabibigyan o napaglalaanan nang sapat na atensiyon o kaya, ang iyong asawa ay hindi ka binibigyan o pinag-uukulan ng sapat na pagmamahal. Pakiwari mo ay kulang o walang init ang pagtingin o trato niya sa iyo.

Alternatively, pakiramdam mo ay hindi ka umaabot sa inaasahan o expectations sa iyo ng iba, lalo na ang malalapit sa iyo. Ito ay maaaring nangangahulugan din ng paghahanap ng outlet para sa iyong nadarama.

Alternatively, posible rin na ang temang ganito sa bungang-tulog mo ay nagpapakita na ikaw ay hindi satisfied sa iyong asawa. Maaari rin namang nagsasaad ito na may itinatago kang guilty feelings ukol sa isang sexual relationship, o kaya naman, ikaw ay naghahanap o nagnanasa para sa mas erotic na sex life.

Ang ganitong uri ng panaginip ay nagpapakita rin ng kawalan ng tiwala sa iyong asawa. Dapat mong tandaan na ang tiwala ay isa sa pundasyon nang maayos at matiwasay na pamilya at pagsasama ng mag-asawa.

Kaya, marapat lamang na lagi itong isaalang-alang, lalo na kung wala ka namang sapat na rason upang magduda sa iyong asawa. Hindi sapat ang panaginip upang maging mitsa ng pag-aalinlangan mo sa iyong asawa dahil maaaring may ibang bagay na naging dahilan lamang upang mag-trigger nang ganitong klase ng panaginip.

Kung anuman, pag-usapan nang mahinahon at maayos ang hindi pagkakaunawaan at mga bumabagabag sa inyo, maging ang posibleng ma-ging ugat para ikasira ng inyong pamilya, bago pa man ito lumala at upang magkaliwanagan talaga kayo.

Ang panaginip na tubig ay sagisag ng iyong unconscious at ng iyong emotional state of mind. Ang tubig ay living essence of the psyche at ang daloy ng life energy. Ito ay simbolo rin ng spirituality, knowledge, healing at refreshment.

Kung ang tubig ay calm at clear, ito ay nagsasaad na ikaw ay nasa maayos na spirituality. Nagpapakita rin ito ng serenity, peace of mind, at rejuvenation. Kung marumi ang tubig, nagpapakita ito na ikaw ay nagtatampisaw sa iyong mga nega-tibong emosyon.

Maaaring paalala rin ito sa iyo upang maglaan ng oras para sa sarili upang malinawan ang pag-iisip at matagpuan ang internal peace.

Alternatively, maaaring ito ay nagpapakita na ang iyong pag-iisip at desisyon ay unclear at clouded.  Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Araneta City Parolan bazaar

Araneta City sparkles more this season with annual Parolan bazaar

Every holiday season, Araneta City comes alive with its beloved Christmas traditions, including the giant …