Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nora Aunor, may matitirahan na dahil sa ADD

OH, a mansion. Bakit walang mapirmihan ang itinuturing na Superstar na si Nora Aunor?

Recently, news reached us na muntik na itong mamalagi sa isang napakaliit na studio apartment na malapit lang sa dalampasigan.

Pero nagawa namang maipakiusap sa mga tagahanap na bumalik na lang sila ng tao niyang si John Rendez sa Eastwood matapos na lisanin ang inupahang bahay ng kaanak ni Pauleen Luna sa Tiera Pura.

Sa dinami-rami ng mga naging mansion nito, wala siyang itinira para sa sarili.

Kaya maya’t mayang naglilipat. Ilang linggo ring sa hotel sila naninirahan ni John. Pero now, naka-settle na uli. At laking pasasalamat ‘yun sa ADD (Ang Dating Daan).

Walang magawa ang mga reklamador. Dahil all the more na inaayawan nila si John, lalo lang itong hindi mawaglit sa pundilya ng idolo nila.

May obserbasyon ang ilan na malamang ibinabalik lang dito ni Aunor ang obligasyon niya sa ginawang pagbaligtad sa mundo ng DJ-rapper ng Malate na parang kabuteng iniahon at inalis dito. At never na niyang binitawan. Kaya whatever she does now, kailangang naroon si Rendez.

Ano sa tingin niyo?

Kaya lang, sana man lang sa mga pagkakataong kailangang isugod sa ospital ito dahil sa sobrang sakit ng tuhod, sana man lang gumising si John para siya ang nagtakbo sa ospital. Hinintay pa ang mga available na fans para siyang maghatid sa kanya sa ospital. Hindi inistorbo ni Nora sa pagtulog niya si John.

Ang sweet, ano?

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …