Friday , December 27 2024
mindanao

Kooperasyon ng taongbayan ang kailangan

NAKAAALARMA ang kumalat na balita na mayroong mga sasakyan na may dalang mga bomba ang umiikot ngayon sa Mindanao at binabalak na pasukin ang mga seaports dito at doon magkalat ng terorismo.

Kahapon, sa press conference ng PNP, tumanggi ang pulisya na kompirmahin ang mga balita tungkol dito. Nakatuon sila ngayon sa kung sino ang nag-leak sa social media tungkol sa isang confidential memorandum na inisyu ng PNP Maritime Group sa Zamboanga del Norte sa mga operation manager ng mga shipping lines sa buong bansa hinggil sa banta ng terorismo.

Hindi man sigurado sa balita, mahalaga sigurong kumalat ito at makarating sa kaalaman ng publiko.

Ngayon, ang kooperasyon ng taongbayan ang kinakailangan.

Ang alamin pa kung sino ang nag-leak ng balita ay hindi na mahalaga. Ang importante ay nagsilbing babala ito para sa pub-liko na maging mapagmatyag at mapanuri.

Kung tutuusin malaking tulong sa publiko ang pag-leak ng balita dahil tiyak na magiging maingat ang mamamayan at posibleng sila pa ang magsilbing katuwang ng pamahalaan para sa kampanya upang ubusin ang mga teroristang prehuwisyo sa sambayanan.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *