MALAKING aral ang naganap na trahedya sa Resorts World Manila (RWM) nitong Biyernes para sa lahat, lalo na doon sa mga nalululong sa casino.
Dapat pong isipin ng mga nagka-casino na hindi ‘yan balon ng suwerte at yaman.
Ang casino ay isang lugar na libangan ng mga may kakayahang maglibang sa lugar na ‘yan.
Mayroong mayayabang na nagsasabing sa casino sila kumukuha ng pamalengke, pang-grocery at pambili ng mga pampormang signature apparel.
Pero sa totoo lang, kalokohan ‘yan.
Puwede bang magpatalo ang mga casino na yan!?
Siyempre bawat araw, ang interes ng mga casino ay kumita.
Kung mayroon mang isang sinuwerteng nanalo, na ‘yan naman ang gusto ng casino para balik-balikan sila ‘e tiyak mayroong mahigit sa 1000 players o higit pa ang natalo.

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com