Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Richard sa La Luna Sangre — Ang astig ng role, kaya nakae-excite gawin

GUTZY Richard flies high. Finally, masasabing nahanap na muli ni Richard Gutierrez ang kanyang pugad sa paglagda ng kontrata with ABS-CBN.

At ang una niyang proyekto ay ang La Luna Sangre na pagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Gagampanan ni Richard ang katauhan ni Sandrino na ayon sa kanya ay maraming layers ang katauhan na siyang magiging kaabang-abang para sa mga manonood.

Dagdag pa ni Richard sa ginanap na grand launch, “Ang astig ng role, kaya nakae-excite siya gawin. Originally I love the movie ‘Interview with the Vampire,’ I re-watched it after the offer came in.

“And I feel so blessed na mula kina Tita Malou (Santos) hanggang sa set ng ‘La Luna…’, ang init ng pagtanggap nila sa akin.”

May penchant for vampires si Richard kaya naman agad niya itong tinanggap nang i-offer sa kanya.

Lalabas din sa La Luna Sangre ang nakita sa Lobo at Imortal na si Angel Locsin, pati si John Lloyd Cruz.

Matatandaang nagkasama sa Kapuso sina Angel at Richard nang lumipad sila sa Mulawin.

Mag-krus kaya ang mga pakpak nila sa La Luna Sangre?

Small world indeed! Ang mahalaga, the Gutzy Richard flies high in this serye na winelcome pa siya sa isang video ng mga bida.

Alam natin na pagdating sa mga bagong Kapamilya, mas napapagaling ng ABS-CBN ang mga bagong nananahan sa kanila o mas tumitindi pa. Kahit na ang dami nilang stars, each shines in his own shadow!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …