OPISYAL na ngang inanunsiyo ng pamunuan ng Star Cinema na si Liza Soberano na ang gaganap sa papel na Darna, isa sa mga hopeful entry sa Metro Manila Film Festival ngayong taong ito.
Bagamat ikinatuwa ito ng marami ay nabahiran naman ng agam-agam ang proyekto just because ang balitang mamamahala ng direksiyon nito’y si Erik Matti.
Of late, nasa mata ng kontrobersiya ang mahusay na Ilonggo director dahil sa pagpo-post nito ng mga mura believed to be addressed sa mga bumoto kay Digong Duterte bilang Pangulo. Nagbanta tuloy ang mga Duterte supporter na sama-sama nilang ibo-boycott ang Darna movie.
Too bad, damay si Liza sa indultong ‘yon na dapat sana’y si direk Erik lang ang magdurusa. Why make an innocent party like Liza suffer the consequences?
Kung totoo ang threat na ito, sana’y tingnan ng moviegoing public ang mga sumusunod na merito ng pelikula, hindi kung sinuman ang naatasang magdirehe nito: una, the project itself na bukod sa isa nang klasiko ay talaga namang pambata. Swak sa MMFF.
Ikalawa, napaka-refreshing ng gaganap na Darna being Liza. Mabait, wholesome, walang kung ano-anong intrigang nakakabit sa kanyang pangalan.
In fairness din kay direk Erik, let his body of work speak for itself. Mahusay siya, walang duda. World class pa nga ang atake at texture ng kanyang mga pelikula.
Sana’y maihiwalay ng marami ang pagiging isang political-minded na tao ni direk Erik from his creative self. Baka kasi kapag hindi ito naunawaan ng publiko’y mapilitan ang Star Cinema na palitan siya bilang direktor ng Darna.
Na nakapanghihinayang kapag nagkataon.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III