Friday , November 22 2024

Raket sa food catering sa Bilibid nabuking sa diarrhea outbreak

PUWEDENG totoo ang sinasabi ng Mang Kiko Catering Services Inc., na hindi sila magbibigay ng marumi o kontaminadong pagkain para sa mga preso ng National Bilibid Prison (NBP).

Hinding-hindi nila gagawin na ‘patayin’ ang pinagkukuhaan nila ng milyon-milyong kabuhayan sa loob ng 11 taon.

Gaya rin ng kasabihang, hindi dapat inilalaga ang Gansang nangingitlog ng ginto.

Wattafak!?

Anong anting-anting ba mayroon ang Mang Kiko at sila ang namunini sa loob ng 11 taon na mag-supply ng pagkain sa National Bilibid Prison!?

Sino kaya ang Nongni ng Mang Kiko sa Bureau of Corrections (BuCor) o sa Department of Justice (DoJ) na nakatatanggap ng “goodwill money?”

Gayonman, sang-ayon ang inyong lingkod na huwag nang isama sa bidding ang Mang Kiko Catering Services Inc., dahil ayon nga sa kanila, 11 taon na silang caterer sa Bilibid.

Puwedeng hindi nga sila naghahain ng maruming pagkain pero puwede silang maghain ng mga pagkain na kapos sa pinagkasunduan at kakaunti ang kantidad.

Mismong ang Bureau of Corrections (BuCor) na pinamumunuan ni director general Benjamin delos Santos ay nagsabing nabisto nila na pinapalitan ng Mang Kiko ang napagkaisahan at napagkasunduang menu nang hindi ipinaaalam sa kanila.

Korek po kayo riyan, BuCor DG Benjie delos Santos.

At simple lang po ang pagpapalit nila ng menu. Pritong itlog sa umaga. Adobong itlog sa tanghali at Nilagang itlog kinagabihan.

Bukas ng umaga, scramble na itlog naman. Puwede rin itlog na mechado minsan ay sarciado sa tanghali at kung medyo malamig ang panahon, sinabawang itlog.

Hindi naman daw tinitipid ng Mang Kiko ang mga preso, nagkataon lang na suwerte raw ang itlog sa negosyo, kaya ‘yan ang paborito nilang menu.

Sabi nga ng mga preso, amoy pa lang ng itlog ‘e gusto na nilang isumpa.

Minsan para malimutan nila ang lasa ng itlog, nakatitikim sila ng ‘sinilagang baboy.’

‘Sinilaga’ kasi hindi nila alam kung nilaga o sinigang at ‘yung baboy, hahanapin nila kung nasaan.

Milyon-milyones po ‘yan!

Responsable man o hindi ang Mang Kiko sa naganap na Diarrhea outbreak sa Bilibid, dapat na talagang i-terminate ang kontrata ng kanilang catering services sa BuCor dahil marami nang inirereklamong paglabag sa kontrata.

BuCor DG Benjie delos Santos Sir, nasa kamay na po ninyo ang malaking pagbabago na maaari ninyong maipadama sa mga preso na gustong magbagong-buhay.

Panahon na po para tanggalin ang bulok na serbisyo, panagutin ang mga manloloko!

PCGG AT OCGG DAPAT
NGA KAYA SA OFFICE
OF THE SOLICITOR GENERAL?

060217 OSG PCGG OCGG

Hindi natin alam kung bakit pinag-aagawan ngayon ang Office of the Government Corporate Counsel (OCGG) at ang Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Bakit ba iniinteres ng tanggapan ni Solicitor General Jose Calida ang OCGG at PCGG?!

Tsk tsk tsk… Hindi ba kayang mag-function ng OSG kung hindi nila makukuha ang dalawang nasabing ahensiya?!

For media mileage ba ‘yang mga pinagtatalunan na ‘yan?!

O talagang hindi nila naiintindihan ang trabaho nila. OSG Calida Sir, ang daming asunto na dapat asikasuhin ng tanggapan ninyo, may nagawa na ba kayo?!

Please review your checklist!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *