AFTER 10 successful years of stint sa kanyang radio show, nakalulungkot na magpaalam na sa radio ang isa sa pinaka-underrated radio DJs sa Metro Manila ngayon at ang TalkToPapa host na si DJPK o mas kilala bilang si Papa Kiko o Erwin David sa totoong buhay, dahil maggu-goodbye na ito sa Barangay LSFM 97.1.
Ilang years ding pinasaya at pinatawa ni Papa Kiko ang kanyang avid listeners dahil sa kanyang nakaaaliw, makukulit na segments, at magagandang love and relationship advice.
Ang balita naming, babalik ito sa Quezon nanaroon ang kanyang pamilya, dahil ito muna ang pagtutuunan niya ng pansin. At katulad ni DJ Papa Dan balak din nitong pumunta ng Australia para roon magtrabaho.
Ayon nga sa mabait na DJ, “It’s time to practice what I preach and get out of my comfort zone, for my family especially my kids, kay Cedric and Kraig Ayer.”
Bilang katrabaho sa Talk To Papa kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata ni Papa Kiks as he aired his final episode noong May 31, dahil alam ko kung gaano niya kamahal ang kanyang trabaho bilang DJ at kung gaano niya kamahal ang kanyang programa.
Alam kong bukod sa akin ay marami rin ang malulungkot na fans, die hard listeners ng Barangay LS sa kanyang pamamaalam sa FM station.
Maaalalang ilan sa kanyang pinasikat sa TalkTo Papa ang Eksena sa Barangay, PKs List, Fultank ka Rambo Ka, at isang magaling na game show host sa TalkToPapaBigTayme plus siya rin ang nag-create ng segment kong BIOT or Blind Item On Ttpp na click na click sa mga listener na mahilig sa blind item.
Sobrang underrated siya as radio adviser, pero superb talaga kapag nag- advice dahil napaka-humble talaga at tiyak kapupulutan ng aral ang mga advice niya.
Mula sa iyong mga avid fan at listener we’ll miss you on radio DJPK!!!
MATABIL – John Fontanilla