Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel Locsin, supportive kay Liza Soberano bilang bagong Darna

ISA sa mga natuwa sa pagkakapili kay Liza Soberano bilang Darna ay ang dating Darna mismo na si Angel Locsin. Bunsod nito, binigyan ng tatlong Darna comics ni Angel si Liza.

Ito ang ipinahayag ni Angel sa kanyang IG account ukol sa naturang mga comics:

“These three comic books are very special to me. These were given to me way back when I was asked to play the role of Darna for me to get to know the super-heroine better. And for ten years, I kept these. Now that we have a new Darna, I asked Tita Malou to give these to Liza as my gift hoping they can help her just as they helped me. And just like the stone of Darna, I’m hoping that she’ll pass this on to her next successor someday. I wish Liza the best of luck! I know she’ll do great 🙂 Sa huling pagkakataon, maraming salamat po sa pagmamahal kay Darna. Salamat po sa former (GMA) & present network ko (ABS-CBN) pati ang Ravelo family sa pagkakataon. Now it’s time to welcome our new Darna :)”

Si Liza ang gaganap sa pelikulang Darna na ipoprodyus ng Star Cinema at pamamahalaan ni Direk Erik Matti.

Sa panayam kay Angel, sinabi ng aktres na deserving maging Darna si Liza.

“Ang dami kong naririnig sa kanya na kuwento ng production people na magagandang bagay. Malaking bagay kasi talaga sa skin iyon, kung kanino ko man ipapasa yung bato, gusto ko deserving and I think si Liza, sobrang deserve niya yung character talaga.”

Wika pa ni Angel, “Panahon na para i-welcome natin ang bagong Darna.”

Ipinahayag naman ni Liza na wish niyang maka-bonding o maka-dinner si Angel para makahingi raw ng advice.

Saad ni Liza, “Magkaroon po kami ng time na lumabas or mag-dinner man lang para makausap ko siya. Of course, hihingi po ako ng advice.”

Ipinahayag pa ni Liza ang sobrang kagalakan sa gesture na ito ni Angel.

“Sobrang happy, nakakakilig po, kasi hindi ko naman ine-expect na ganoon po yung support niya sa akin. Of course I know how much she loved the role as well, pero yun nga, I’m just so happy that she’s happy with their choice, for choosing me as well.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …