MATINDING ‘harassment’ at paglabag sa kanilang mga karapatan ang inirereklamo ng tinaguriang “Ilocos 6” na ipinakulong matapos i-contempt ni Rep. Rodolfo Fariñas, sa isinagawang pagdinig ng Committee on Good Government and Public Accountability sa House of Representatives (HOR) kamakalawa.
Ayon sa abogado ng Ilocos 6 na si Atty. Toto Lazo, nabigo ang mga kamag-anak ng mga kliyente niyang sina provincial treasurer’s offi-cer Genedine Jambaro; Encarnacion Gaor; Eden Battulayan, provincial treasurer; Josephine Calajate; Pedro Agcaoili, BAC chair at Ilocos Norte Provincial Planning and Development Office head; at Evangeline Tabulog, budget officer na makita sila dahil 30-minuto lamang ang inilaan na oras para sa kanila.
Tila inilagay sa isolation room ang anim nang ipiit sa detention room ng sergeant at arms sa Kamara.
Ito ay makaraan mapikon si House Majority Leader Rep. Ro-dolfo Fariñas sa anim na opisyal dahil sa pagtugon nila ng “dismis-sive answers” sa pagdinig ng Kamara kahapon.
Ayon kay Fariñas, ipinagtataka niya kung bakit hindi matandaan ng mga opisyal ang kanilang mga pinirmahan kahit ipinakita ang mga dokumento hinggil sa pagbili ng Ilocos Norte government sa mga sasakyang nagkakaha-laga ng P66.45 milyon galing sa tobacco excise tax.
Sinabi ni Fariñas, mananatili ang anim na opisyal sa kustodiya ng Kamara hangga’t hindi sila ‘nakikiisa’ sa im-bestigasyon.
Isa umano sa mga ‘ipinakulong’ na babae ni Fariñas ay nainsulto matapos pagsabihan ng mambabatas na “Pai-yak-iyak ka pa.”
Habang ang isa sa ipinakulong ni Fariñas ay tila nakadama ng ‘te-rorismo’ sa ginawa ng mambabatas kaya tuluyang hinimatay.
“Tingnan, n’yo naman, 10-oras nagbiyahe ang mga kamag-anak ng clients ko, tapos 30-minuto lang ang ibibi-gay para makapag-usap sila?” anang abogadong si Lazo.
Nagkataon umano na gabi na nang duma-ting mula sa Ilocos ang mga kamag-anak ng Ilocos 6 kaya hindi na dumiretso sa Kamara.
Pero kung sakaling maaga pa dumating, paninindigan umano ni Fariñas na 30-minuto lamang nilang makakausap ang mga kamag-anak nila.
Lalo pang nangamba ang nakapiit sa Office of the Sgt. at Arms na Ilocos 6 nang magpahayag si Fariñas na hanggang 29 Hulyo 2017 na sila mapipiit.
“Hindi na yata logical ‘yun, hindi harden criminals or convicted felon ang Ilocos 6. Ini-lagay sila sa isolation room for cite of contempt, they’re not criminals,” diin ni Lazo.
Umaasa sina Lazo na kakatigan ng Court of Appeals (CA) ang kanilang inihaing Petition for Habeas Corpus para tuluyang palayain ang Ilocos 6.