WE were invited by our nephew Abe Paulite to watch the show of some refreshing new talents at Music Hall in Metrowalk, Pasig.
Of course we didn’t have any lofty expectations for the performers were basically new.
Ang nakatatawa, ‘yung main headliners ay siyang mga so-so lang ang performance at ‘yung mga curtain raisers ay tunay na may K.
‘Yung lady politician na headliner ay dapat na sigurong mag-focus sa kanyang political career dahil as a performer, wala siyang promise.
Bukod sa she tends to be off-key ay hindi rin namin mapatawad ang suot niya.
I’m not saying this out of being bitchy but she doesn’t any promise as a singer. Mag-focus na lang siya sa projects niya sa kanilang lugar na isa siyang konsehal dahil doon siya nababagay.
Honestly, the concert scene happens not to be her bailiwick. Kung noong bata pa siya ay takable ang kanyang pagkanta, this time when the young singers are definitely hugging the concert scene, she should take the backseat and give it to them for the simple reason that she doesn’t have any right to be in it.
‘Yan ay isang friendly advice at hindi pagtataray.
Hayaan mo na ang show rackets na ‘yan sa mga taong may K. At this point, you have to admit that singing is not for you.
You are better off as a politician where you happen to be voted as the number one councillor but you have to admit that singing is not for you.
Anyway, talking about singing, we had the most pleasant surprise of our life when it was Pauline Cueto’s time to sing.
Medyo may konting problema siya sa weight but she makes up for it by way of her beautiful face, along with her admirable fashion sense. Maganda siyang magdala ng damit at napakaganda ng dating niya onstage, not to mention the fact that she sings like an angel.
Suwabeng-suwabe ang kanyang pagkanta at nakalilibang siyang panoorin with her sophisticated way of singing na in na in at bagay na bagay sa kanyang edad.
‘Yan ang singer!
Tunay na may K!
Period!
The way we look at it, konting panahon pa at makikilala rin sa music world ang batang ito.
Konting diet pa at lalo kang gaganda.
LAUREN YOUNG, NAGSISISI
NA BA SA PANG-AAWAY
KAY JANINE GUTIERREZ?
Nakahahabag man si Charie (Lauren Young), pero tama lang din na tiisin siya ngayon ng kanyang ina na si Marissa (Chanda Romero) at ate niyang si Grace (Janine Gutierrez) ngayong isa siya sa mga dahilan sa pagkawala ni Nina (Teri Malvar). Piliin mo ba naman kasi si William (Marc Abaya) over them na kadugo mo to the point na ipagtabuyan mo sila sa buhay mo, sino ba namang hindi masasaktan?
Pero we can feel na she’s longing for her family’s comfort. Kaya naman tama nga kaya kami na nagsisisi na siya sa pang-aalipusta at pang-aaway sa kanyang pamilya? Makita na nga kaya niya na mina-manipulate lang siya ng kanyang boyfriend? Makita nga kaya niya na si William ang tunay na may sala sa lahat ng nangyayari sa kanya?
‘Yan ang dapat pakatutukan sa Legally Blind ngayong nalalapit na ang pagtatapos nito.
KAPUSO STARS, MAY PASABOG
SA LUCENA AT CEBU THIS WEEKEND
Unstoppable na nga ang GMA stars sa paghahatid ng saya sa kani-kanilang fans all over the Philippines.
Ngayong weekend nga, muli na naman magpapasabog ng saya sa Lucena City ang IMPOSTORA stars na sina Kris Bernal, Rafael Rosell at Sinon Loresca. Simula 4PM, maki-indak at makisigaw sa one of a kind performances na ihahatid nila sa South Town Center sa Talisay City sa Cebu.
Habang lilipad ang Mulawin vs. Ravena stars na sina Dennis Trillo, Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Derrick Monasterio at Kiko Estrada sa Lucena City para maghatid ng kakaibang saya at kilig sa SM City Lucena. Wag itong palampasin dahil simula 4PM, siguradong non-stop fun ang mararamdaman ninyo! See you there, mga Kapuso!
And that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.