ISASARA ng Star Cinema ang ikalawang quarter ng taon sa nalalapit na showing ng Can We Still Be Friends, ang pinakamalaking romantic movie ng season, na pinagbibidahan nina Gerald Anderson at Arci Muñoz.
Sa ilalim ng direskiyon ni Prime Cruz at sa panulat ni Jen Chuaunsu, ang Can We Still Be Friends ay isang love story na ipinagdiriwang ang ‘di matinag na millennial spirit. Tinatangka nitong tanungin kung maaari ba talagang maging magkaibigan ang dalawang taong dating magkasintahan.
Nakasentro ang pelikula kina Digs (Anderson), isang no fuss, no frills na lalaki at ang idealistic achiever na si Sam (Muñoz) na dating magkaibigan na naging magkasintahan na ngayon ay mag- ex na. Tumagal ng halos walong taon ang kanilang relasyon hanggang pareho silang nagdesisyong kailangan nang maghiwalay. Habang magkahiwalay nilang hinaharap ang dating world, patuloy ang dating magkasintahan sa pag-check sa bawat isa under the guise of “friendship.” Ito ay magiging kompetisyon kung sino sa kanila ang unang magkakaroon ng bagong relasyon. Sa bandang huli madidiskubre nila na isa sa kanila ay may nararamdaman pang pag-ibig sa isa.
Karapat-dapat banggitin na ito ang pinakahihintay na grand movie comeback ng Team Lablab matapos ang kanilang blockbuster hit noong 2016 na Always Be My Maybe. With such notable works naman tulad ng The Manananggal Unit 23B at Sleepless, minamarkahan naman ng Can We Still Be Friends ang directorial debut ni Cruz sa ilalim ng Star Cinema.
Ang Can We Still Be Friends ay ang pagbabalik ni Gerald sa pinilakang tabing mula noong back-to-back success ng Always Be My Maybe at How To Be Yours noong nakaraang 2016. Sa kanyang daily series na Ikaw Lang Ang Iibigin, si Gerald, na ipinagdiriwang ang higit isang dekada bilang isa sa pinaka-accomplished na batang aktor ng ABS-CBN, ay itinuturing ngayon bilang millennial leading man ng Star Cinema sapagkat kinakatawan niya ang kahulugan ng pagiging guwapo, matagumpay, sariwa, hip, bata, at ubod ng talentado.
Si Arci naman ay nananatiling isa sa pinakaseksing batang aktres sa industriya. Itinuturing din siyang isa sa pinakamainit na dalaga sa showbiz. Kinakatawan naman ni Arci ang archetypal sexy rom-com leading lady, isang babae na nag-uumapaw ang sensualidad ngunit nakatutuwa at very identifiable sa fans.
Sabay bibigyang buhay nina Gerald at Arci ang mga universally relatable characters nina Digs at Sam sa napapanahong love story na ito na sinisiyasat kung paano naapektuhan ng mga current art forms at sensibilities, at pati na rin ang mga modernong teknolohiya, tulad ng dating apps gaya ngTinder, ang millennial community sa kanilang mga relationship.
Pinagsama-sama rin ng Can We Still Be Friends ang mahuhusay na millennial supporting cast na pinangungunahan nina Bryan Santos, Ria Atayde, Brian Sy, Gege Severo, Erika Padilla, Markie Stroem, at Emmanuelle Vera.
Ipalalabas ang Can We Still Be Friends sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa simula sa Hunyo 14.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio