Friday , November 22 2024

Laban ni Digong kontra droga dapat maging laban din ng LGUs

ISA lang ang napapansin natin sa drug war ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa ilegal na droga — para siyang Kristo na mag-isang nagpapasan ng krus.

Ang lahat ay nakatanghod lang sa kanya at pinanonood kung paano niya ipatutupad ang kanyang giyera laban sa ilegal na droga.

Kapag kaaway nila ang tumumba tiyak na may papalakpak. Kapag may sablay, tiyak na mayroong uupak.

Ibig sabihin, parang hindi tumatagos ang drug war sa local government units. Tanging Philippine National Police (PNP) lang ang nagpapatupad ng laban, wala pang tulong ang local government.

Sa pahayag kahapon ni Manila Mayor Erap Estrada, nagbabala siya na tatrabahuin niya ang listahan na hawak ng Manila Police District (MPD) na mga barangay officials ang sabit sa droga.

Siya ang masasabi nating unang LGU na magiging kabalikat ni Pangulong Digong para linisin ang kanilang hanay.

Nitong nakaraang Biyernes ng gabi, isang barangay chairman sa Malate, Maynila ang itinumba habang nanonood ng telebisyon sa kanyang bahay.

Sa rekord ng pulisya, si Barangay 751 Chairman, Angelito Sarmiento ay nasa drug watchlist ng pulisya at isa sa mga nagsumite ng kanyang sa sarili sa proseso ng Tokhang.

Sa ilaim ng Tokhang system, ang mga hinihinalang drug user o pusher ay iimbitahan ng pulis-ya at doon ay pipirma sa isang kasulatan na siya ay magbabagong-buhay.

Hindi nakasaad sa kanilang nilagdaang kasunduan kung ano ang mangyayari sa kanila kung hindi sila tuluyang magbabagong-buhay.

Ayon sa PNP, ilan sa mga sangkot sa drug watchlist ay napapaslang dahil nanlaban sa mga pulis na aaresto sa kanila.

Ang iba naman ay biktima ng riding in tandem na pinaniniwalaang ginagawa ng mga sindikatong natatakot maituro ng mga naisasama sa Oplan Tokhang.

Batay sa nakuhang listahan ng Manila city government, mayroong 20 barangay officials ang nasa drug watchlist.

At ‘yan daw ang planong trabahuin ni Erap.

Maraming option ang mga nasa drug watchlist ng Maynila. Una magbagong-buhay at magpa-rehab para tuluyang makalayo sa masamang bisyo ng droga. Ikalawa, magtago o mangibang lugar para hindi ma-tokhang. At ikatlo, magbakasyon nang tuluyan, 6 feet below the ground.

‘Yan lang ang pamimilian ng mga nasa drug watchlist na nasa Maynila.

Isang malaking hakbang ‘yan para gumaan naman ang pasanin sa balikat ni Pangulong Digong at PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa.

ATTENTION CAAP

SIR Jerry, kabago-bago ng Puerto Prinsesa Int’l Airport pero bulok ang sistema. Sobrang haba ng pila sa bayaran ng terminal fee dahil isang tao lang sa counter ang kumukuha ng bayad. Wala na bang tauhan ang CAAP na mailagay riyan?

+63915707 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *