Saturday , January 11 2025

Isabelle de Leon, planong maging director din someday

ANG talented na aktres, singer, at songwriter na si Isabelle de Leon ay bahagi ng Batch 16 ng Ricky Lee Film Scriptwri-ting Workshop. Naimpluwensiyahan daw kasi siya ng kanyang amang si Dean de Leon na isa ring scriptwriter at naging parte ng 12th scriptwriting workshop ng award-winning writer.

“I am part of Ricky Lee’s 16th scriptwriting workshop. My dad told me that his days during the workshop are one of the happiest and meaningful part of his life. So I wanted to experience that myself. Isa po ako sa 5,000 na pumila, nag-submit ng story at nagbakasakaling matanggap.

“We have workshop every Sundays. Aside from sir Ricky Lee’s brilliance as a writer, he has such a beautiful soul. And to be able to experience that is such a wonderful, life-changing experience for me,” wika ni Belle (nickname ni Isabelle).

Dagdag ni Isabelle, “I was four years old when I first met sir Ricky Lee, I wasn’t an actress then… when my dad was chosen to be a part of Ricky Lee’s 12th scriptwriting workshop. Since dalawa lang kami ng dad ko sa buhay, he had no choice but to bring me with him sa workshop.

“I felt so happy noong tawagan po ako ni Sir Ricky. Super fun siya talaga, malayang exchange ng ideas… lahat nagbibigayan at nag-e-encou-rage sa mga trabaho ng bawat isa.”

Hindi mo ba napapabayaan ang pagiging aktres mo kapag naka-focus ka sa pagiging singer/songwriter mo? “Hindi naman po. Napagsasabay naman… nasa pagdisiplina lang din po ng oras. Buti na lang, hindi naman nagkakalayo ang mundo ng musika at ng pag-arte.”

Ano ang plano mong gawin kapag natapos ka na sa sriptwriting workshop mo?

Paliwanag niya, “Plano kong mag-take-up ng classes on film making at maging ganap na filmmaker someday.”

Nakilala nang husto si Isabelle noong siyam na taong gulang pa lang bilang child actress sa pelikulang Magnifico ni Direk Maryo J. delos Reyes. Pinagbidahan ni Jiro Manio, gumanap si Isabelle sa pelikulang ito bilang batang may cerebral palsy. Nanalo si Isabelle ng FAMAS award Best Child Actress noong 2004 at naging nominado sa Gawad Urian Award para sa parehong taon, sa kategoryang Best Supporting Actress naman.

Mula rito’y mas nakilala si Isabelle sa TV show na DaddyDiDoDu, bilang isa sa tatlong magkakapatid na mangkukulam kasama sina Danica Sotto at Maxene Magalona. Tatay nila rito si Vic Sotto. Ang kanyang talento sa musika ay makikita rin sa latest album niya mula PolyEast Records na pinamagatang LoveZone. Ang naturang album kasi ay binubuo ng mga orihinal na awitin na si Belle mismo ang lumikha.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Keempee de Leon Joey de Leon

Keempee at Joey nagkaiyakan, nagkapatawaran 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGAL nang hindi nag-uusap sina Keempee de Leon at ama Joey …

Kathryn Bernardo Mommy Min

Kathryn madamdamin mensahe sa ina

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL ang mensahe ni Kathryn Bernardo sa pagseselebra ng kaarawan ng kanyang …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan …

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *