Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

TV host-comedian, kikita sana ng malaki pero naging nganga pa

MAY lihim palang sama ng loob ang isang TV host-comedian sa kanyang management office, at ito’y bunsod ng ‘di pagpapahintulot sa kanya na gawin ang isang pelikulang siya sana ang magbibida.

Tsika ng aming source, “Nagka-casting pa lang ang mga bagitong producer kung sino sa tingin nila ang babagay na bida, eh, siya na ang nasa isip ng lahat. Kung kumilos nga naman kasi siya, eh, plakadong-plakado niya ang dating gumanap na bida roon.”

Agad kinontak ng mga produ ang opisina ng komedyante. Pero for some reason ay tumanggi ito kaya ganoon na lang ang panghihinayang ng TV host-comedian na sa iba napunta ang role.

Himutok tuloy nito, “Kailan pa ‘ko yayaman?” Sayang kasi ang extra money na kinita sana niya kung pinayagan lang siya ng kanyang management office.

Da who ang TV host-comedian na malaking pera na sana ang kinita pero naging nganga pa? Itago na lang natin siya sa alyas na Joshua Manaloto.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …