Friday , December 27 2024

Paskuhan Village namadyik ba ni Mark Lapid?

NAIBENTA na pala ang Paskuhan Village.

Mantakin n’yo ‘yun. Tahimik na tahimik na naibenta ni Mark Lapid ang Paskuhan Village?

Wattafak?!

Naibenta pala ang 10-ektaryang Paskuhan Village noong 2016 nang siya ay nanunungkulang general manager ng Tourism Infrastructure amd Enterprise Zone Authority (TIEZA) dating Philippine Tourism Authority (PTA).

Ngayon, pinadalhan ng summon ang dating gobernador ng Pampanga ng House committee on good governance and public accountability upang pagpaliwanagin sa naganap na ‘tahimik’ na bentahan ng Paskuhan Village.

Nagkakandakumahog ang mga opisyal ng provincial at local government ng San Fernando upang mabawi ang nasabing propriedad.

Ganoon din ang Commission on Audit (COA) dahil klarong-klaro na hindi dumaan sa kanilang tanggapan ang pagbebenta sa Paskuhan Village.

Hinihintay din ng House committee ang legal opinion ng Department of Justice (DoJ) sa nasabing usapin.

Mukhang mamalasin si Mark sa ginawa niyang pagbebenta ng Paskuhan  Village.

Sumablay ang kasabihan ng mga Pampangueño na, “Subukan pamu para mabalu.”

Tsk tsk tsk…

K

KOTONGERONG ENFORCERS
WALANG PUWANG
SA BAGONG ANYO NG MTPB

090916-manila-city-hall-mtpb

Wala nang dahilan para mangotong pa ang traffic enforcers ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).

Ayon sa ilang job order ng MTPB na nakausap natin, ngayon ay nakatatanggap na sila ng P12,000 allowance sa loob ng isang buwan.

Hindi gaya dati na ang kanilang kita ay mula sa kotong ‘este komisyon (quota system) kaya wala silang ginawa kundi ang mag-abang ng mahuhuli imbes ayusin ang trapiko.

Kung dati ay sandamakmak ang MTPB enforcers na halos umaabot ng 600 katao, ngayon 200 na lang sila.

Sandamakmak ang ghost ‘este traffic enforcers noon, pero hindi man lang magawang resolbahin ang traffic sa Maynila, ngayon, relatibong lumuluwag na ang trapiko.

Mapapansin ninyo na hindi na ganoon kasikip ang trapiko lalo ang patungong Binondo area. Nakapaninibago nga na nakikita nating maluwag lagi ang Jones Bridge.

Napapansin din natin na mas disiplinado ang MTPB enforcers ngayon kaysa dati.

Maayos ang uniporme at aura ng traffic enforcers kompara noon na mukhang mga goons.

Natutuwa tayo na nakahanap ng mga dedikadong tao ang MTPB para pagaanin ang daloy ng mga sasakyan sa Maynila.

By the way, MTPB chief, Mr. Dennis Alcoreza, isa na lang ang inirereklamo ng mga tao, ‘yung hindi flexible na pagsasara ng daanan ng SM Manila papasok sa kanila mula sa Arroceros St. (ngayon ay Mayor Arsenio J. Villegas St.) palabas sa San Marcelino St.

Ang nangyayari tuloy nag-iimbudo ang mga sasakyan. Puwede naman nilang lagyan ng impormasyon na puwedeng pumasok ang mga patungo sa parking area. Para hindi na umikot at hindi na makadagdag sa volume ng sasakyan patungong San Marcelino.

Dapat din sigurong kausapin ng MTPB ang SM Manila na magkaroon ng isang drop-off point. Puwede namang maglakad na ang mga tao papunta sa iba’t ibang entrance. Para mabilis na mabawasan ang volume ng mga sasakyan.

At higit sa lahat, dapat na maging mahigpit si Alcoreza sa mga kolorum na van at mga ilegal na terminal.

Sa ngayon, kinikilala namin ang pag-aayos ninyo ng MTPB enforcers at pag-aangat sa kanilang kalagayan.

Sana’y magtuloy-tuloy na ‘yan at doon ay tuluyan na nating masasabi na naiiba ka MTPB chief Alcoreza.

Ayos!

SINO ANG ‘SINGIT’
SA BIYAHE
NI PRRD SA RUSSIA!?

053017 Duterte plane

KA JERRY, sino ba ang dating asawa ng isang nakaupong senador ang nakasama sa foreign trip (Russia) ni Pangulong Duterte?

Nakasali siya bigla sa biyahe dahil siya umano ay isang negosyante at presidente ng kaniyang sariling kompanya na nagbebenta ng pharmaceutical ingredients at medical devices.

Totoo ba nang sinilip ang records sa SEC at pati na rin sa DTI ay walang nakarehistrong pangalan ng sinasabing kompanya?

Nang pinuntahan daw ang nakalistang address ng opisina ng kompanya ang gusali ay abandonado na.

Totoo ba na nasisingitan at nalulusutan ang listahan ng official delegates sa mga state visit ng Pangulo ng Filipinas?

– Email withheld upon request

DAYUHANG
TERORISTA

052517 Marawi Maute

SIR Jerry, nagpahayag si Quezon City Rep. Winnie Castelo na kailangan imbestigahan ang presensiya ng mga dayuhang terorista sa Mindanao. Maaari kasing dito nag-ugat ang malakas na puwersa ng Maute Group. Suhestiyon niya na maaari rin isangguni sa ASEAN lalo’t nabanggit ang banyagang terorista na nagmula sa ASEAN member countries.

Sadyang nakababahala ang mga ulat na may ibang lahi rin ang napatay sa Marawi siege, nabanggit rito na may Malaysian, Singaporean at Indonesian terrorist ang kasama sa mga napaslang ng militar.

Kaya naman sa ating mga kababayan, isipin nating mabuti na walang maidudulot sa ating mga pamilya ang pagtulong at pagsuporta sa mga terorista. Apektado ang ekonomiya sa patuloy na panggugulo ng mga terorista. Maraming buhay ang nalalagas, maraming tahanan ang nawawasak, maraming inosente ang nagiging biktima huwag na nating hayaang lumala pa. Koordinasyon sa gobyerno, isuplong ang mga bandido upang matapos na ang gulo.

Jersan R. Arguilles
Mindoro
[email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *