Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pangungulit ni Alden kay Ai Ai, binatikos

HINDI sa pamba-bash kay Rocco Nacino ng mga pro-Alden Richards sa socmed kami mas interesado kundi sa mas nakaiintriga, ang utak sa likod ng negative comment ng isang netizen (or troll?) sa Pambansang Bae.

Tinawag kasi nitong KSP, bastos, at asal ng kaabnormalan ang ginawang pangungulit ni Alden kay Ai Ai de las Alas bilang caption sa isang screen shot. Mananatili na sanang objective ang naturang komento but the “giveaway” as to the netizen’s likely identity ay ang kabuntot na linyang”paano raw ito natatagalan ni Maine”?

Kung sinuman ang netizen na ‘yon ay posible kayang kabilang siya sa “endangered species” na mga fan lang ni Maine Mendoza out to destroy the AlDub teamup? Teka, ‘di hamak namang mas destructive sa nasabing tambalan ang napapabalitang “something” kina Maine at Sef Cadayona?

Nakunan lang ng litrato si Alden na kinukulit si Ai Ai, nasaan ang kabastusan at kakulangan sa pansin doon? Worse, ang kaabnormalan ni Alden?

Sino ba ang nag-like sa screen shot? Hindi ba’t si Roco na hindi naman involved sa isyu, right? So, sino ngayon ang KSP?

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …