Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel at Kathryn, ratsada na sa taping ng La Luna Sangre (JaDine, kailangan pa ba ng It’s Showtime?)

HINDI talaga paaawat ang patuloy na pag-ariba ng career nina Daniel Padilla atKathryn Bernardo. Mula sa box-office result ng kanilang pelikulang Can’t Help Falling In Love, mapapanood na simula ngayong  June ang kanilang latest series na La Luna Sangre sa Kapamilya Primetime Bida.

Kaya naman after ng kanilang photoshoot last week ay ratsada na sa taping ang buong production headed by Direk Cathy Garcia-Molina. Hindi na rin mapigil ang excitement ng fans and followers ng dalawa na naghihintay na sa teleserye nina Daniel at Kathryn!

Bongga!

JADINE, KAILANGAN PA
BA NG IT’S SHOWTIME?

HINDI namin makuha ang logic kung bakit kailangan pa ng daily noontime show na It’s Showtime ang presence ng JaDine na sa pagkakaalam namin ay napapanood sila tuwing Tuesdays, Thursdays, at Saturdays.

Is it true na kailangan ng JaDine ang exposure dahil nawawala na sila sa sirkulasyon o kailangan sila ng Showtime upang pantapat sa kabilang daily noontime show?

Ano ba talaga? Kakaloka naman! Mahal ko rin naman ang JaDine. Gusto ko lang ma-sure.

PAGLAKI NG KATAWAN
NI JK, ‘DI MAGANDA

MALALIM umarte itong si JK Labajo ng A Love To Last ng Kapamilya Network.

Hindi namin maiwasang purihin ang sumisikat na young singer-actor dahil sa kilos palang ng mata ay kitang-kita kung paano niya ipinararamdam ang bawat eksenang ginagawa sa serye huh!

‘Yun lang! Noong huli naming makita ang binatilyo ay halatang mataba ito. Hindi naman siya mukhang pandak dahil matangkad naman siya. Kailangan mo talagang magpapayat JK.

KZ, SOBRA ANG PAGKA-INGGIT
KAY LIZA SOBERANO

IBANG klase talaga ang handog na musika nitong si KZ Tandingan na recently ay naglunsad ng latest album under Star Music.

Kahit si Jonathan Manalo ay bilib sa kakaibang boses ni KZ kaya naman ibinigay na nito ang titulong Soul Supreme dahil sa husay nito.

Sa kasikatang tinatamasa ngayon ni KZ, naging deretsahan naman itong amining may insecurities pa rin siya sa buhay. Dati ay parang wala na siyang bilib sa kanyang sarili pero natuto naman siyang tanggapin ang para lang sa kanya.

Inamin nitong dati ay inggit na inggit siya kay Liza Soberano.

“Hindi naman po nawawala ang insecuties minsan natin sa buhay. Pero noon po ‘yun. Dati inggit na inggit ako kay Liza. Pero sabi ko, maganda rin naman ako! Hahahahaha,” patawang tsika pa sa amin ni KZ.

ni Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …