Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, wasak pa rin ang puso; friends lang kay Arci

NO broken bones. Just a broken heart. Hindi man tahasang sabihin, sa mga tinuran ni Daniel Matsunaga sa mga tanong sa kanya ni Kuya Boy Abunda sa programa nito, masasabing ginagamot pa rin ng isa sa kinagigiliwang panoorin sa I Can Do That ang puso niya.

Kahit kasi pansin na ang kakaibang chemistry sa kanila ni Arci Muñoz, tahasang sinabi nito na magkaibigam lang sila dahil pumasok pa sila sa isang kasunduang for six months eh, mananatili lang sila sa level na ‘yun.

Kayanin naman kaya nila?

Well, puwede namang sa panlabas eh, magkaibigan pero iba naman ang nasa kalooban!

Carlo, JC, Denisse at Shaina, nagkabukingan na

SELOS to the nth degree. Kakaiba rin ang mga galaw ng mga sinusubaybayang karakter sa The Better Half sa Kapamilya Gold.

Naganap na ang mga bukingan ng mga sikreto.

At ngayong nasa maselang kalagayan si Marco (Carlo Aquino) dahil sa pagkakaligtas nito sa pamilya ng unang asawang si Camille (Shaina Magdayao) sa isang sunog, ang pagkakaroon ng muling pagkalinga ni Camille rito ang pinagmumulan ng matinding selos kay Rafael (JC de Vera) na ikalawang asawa ni Camille. At kahit patuloy na ipinagpipilitan at ipinagsisiksikan ni Bianca (Denise Laurel) kay Marco ang sarili at pinangangatawana na siya na ang asawa nito, muhi at poot na ang isinusukli sa kanya ng ama ng kanyang anak.

Totoo nga bang utang na loob lang ang nararamdaman ni Camille kay Marco? Paano naman kaya tatanggapin ni Rafael ang desisyon ng asawa?

Tutukan pagkatapos ng ibang klase ring rigodon ng mga relasyon sa  Pusong Ligaw na inaabangan naman ang cute na bangayan ng loveteam nina Diego Loyzaga at Sofia Andres at ang triyanggulong Bianca King, Joem Bascon, at Beauty Gonzales with Raymond Bagatsing!

Nora, binarat daw kaya ‘di na tuloy sa Immaculada

INDIE’S guys.

Sumabak na sa shoot niya sa Ang Pamilya’ng Hindi Lumuluha si Sharon Cuneta sa direksiyon ni Mes de Guzman na sa darating naCinemalaya sa Agosto mapapanood.

Dapat eh, sasalang na muli sa kanyang indie project with Arlyn dela Cruz sa Immaculada si Nora Aunor. Mukhang inalat ang usapan with Nora at hindi na ito matutuloy dahil ayon sa nag-share ng balita sa amin, binarat ang aktres sa kanyang talent fee!

May offer din kay Vilma Santos to star in an indie project si Baby Go of BG Productions International. Isang matinong script ng isang mapaghamong role na hindi pa niya nagagawa ang request ni Vi na ihatag sa kanya.

Magandang labanan sana ito ng tatlo. Baka naman maremedyuhan pa ‘yung kay Nora.

Super. Mega. Star.

HARDTALKPilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …