MAAARING nakabili ang local terror group Maute ng mga armas sa tulong ng illegal drug trade, pahayag ng military spokesman nitong Biyernes.
Sinabi ni Armed For-ces of the Philippines spokesman Brigadier General Restituto Padilla, ang mga armas ng rebeldeng grupo ay maaa-ring nabili ng mga terorista sa tulong ng drug mo-ney.
“It has taken time. In the course of time, nakapag-ipon ito. Naniniwala kami na ang ibang armas na ito ay nangga-ling sa pagnenegosyo ng droga,” aniya.
Dagdag ni Padilla, ang support structures ng grupo ay nakuha rin ang pondo mula sa illegal activities, katupad ng narcotics.
“May iba po silang support structures na ang pinangggalingan ng kanilang tulong ay galing sa mga illegal na activity kasama na ang droga,” aniya, ipinuntong may narekober ang mga sundalo na drug paraphernalia sa nakaraang mga o-perasyon laban sa Maute group.
HATAW News Team
Sa loob ng 3 araw
TERORISMO SA MARAWI
TATAPUSIN NG MILITAR
PATITINDIHIN ng mga tropa ng gobyerno ang kanilang puwersa upang magapi ang Maute group sa Marawi City, at umaasahang malilipol ang mga terorista sa loob ng tatlong araw, ayon sa pahayag ng militar kahapon.
Ang mga tropa ng gobyerno ay patuloy sa pagpapasabog sa Marawi City upang maitaboy ang mga miyembro ng Maute at Abu Sayyaf group, at nagkaroon ng mga sagupaan mula pa nitong Martes.
Sa press briefing, si-nabi ni Western Mindanao Command chief Major General Carlito Galvez, Jr., bukod sa mga tropa ng gobyerno, kikilos din ang local government officials upang mapanumbalik ang kapayapaan sa lungsod.
“I assure the public that, with the help of our governor, and local go-vernment units, rest assured that the military will do their part… Mamadaliin po namin ang normalcy, [so that residents can] go back in time for Ramadan…Hopefully tingnan natin, within three days we can [clear the city],” pahayag niya sa mga reporter sa briefing sa Marawi City.
9 KRISTIYANO NA
PINATAY NG MAUTE
NATAGPUAN NA
KABILANG ang siyam sibilyan na ginawang hostage ng Maute group, sa naagnas nang mga bangkay na natagpuang nakakalat sa Marawi City.
Habang patuloy ang sagupaan ng mga tropa ng gobyerno at mga te-roristang grupo sa Marawi City, tumataas din ang bilang ng mga napapatay.
Bagama’t wala pang inilalabas ang pamahalaan na official death toll ng mga sibilyan, iniulat ng mga awtoridad ang na-tagpuang bangkay ng siyam sibilyan na tina-ngay ng mga bandido nitong Martes.
Magugunitang nitong 23 Mayo, habang kasagsagan ng sagupaan, hinarang ng Maute group ang isang truck na lulan ang siyam sibilyan at ginawa silang hostage.
Pagkaraan, sila ay i-ginapos at pinagbabaril ng mga terorista.
MARTIAL LAW DAPAT
PANSAMANTALA LANG
— MINDANAO BISHOPS
INIHAYAG ng Catholic bishops sa Mindanao, ang pagpapatupad ng martial ay dapat pansamantala lamang bagama’t hindi nagpahayag ng pagtutol makaraan idek-lara ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa layu-ning masugpo ang mga terorista.
“We have many fears. But, at present, we simply do not have solid and sufficient facts to absolutely reject the declaration of martial law as morally reprehensible. But we are certainly agreed that martial law must be temporary,” pahayag ni Cotabato City Archbi-shop Orlando Quevedo.
Isinailalim ni Duterte ang buong Mindanao sa martial law nitong Martes ng gabi makaraan su-miklab ang sagupaan ng mga tropang gobyerno at teroristang Maute at Abu Sayyaf.
“We exhort everyone to be calm in the face of Martial Law, to be obedient to the just commands of lawful authority, and not to provoke violent reaction,” aniya.
Ayon kay Quevedo, kinokondena nila ang te-rorismo, “Terrorism distorts and falsifies the true meaning of any religion. It destroys harmonious relationships among peoples of different faiths. It creates a world of suspicion and prejudice, of hatred and hostility.”
Ngunit binigyang-diin ni Quevedo na handa silang kondenahin ang martial law kapag may naganap na pang-aabuso.
“We shall condemn any abuse of Martial Law and, as in the past, will condemn it outright if it goes in the way of evil. Let us be vigilant,” aniya pa.
Sa pagsisimula ng Ramadan
MAGDASAL PARA SA KATAPUSAN
NG TERORISMO — PALASYO
NAKIISA ang Malacañang sa Muslim Filipinos sa paggunita sa banal na buwan ng Ramadan, sa kabila nang patuloy na kaguluhan sa Marawi City, na nakaa-pekto sa mga residente at nagresulta sa tumataas ng bilang ng mga napa-patay sa panig ng mga sibilyan, mga tropa ng gobyerno at mga terorista.
Nagpahatid ang Palasyo ng panalangin para sa pagtatapos ng terorismo sa Marawi City bunsod ng pag-atake ng mga teroristang Maute at Abu Sayyaf group.
“We stand with Muslim Filipinos in their reve-rent observance of the holy month of Ramadan. Together we pray for an end to terrorism that falsely claims to advance Islam and seeks to subjugate our land to the brutal IS (Islamic State),” ayon sa Malacañang.
Sinimulan ng mga Muslim ang paggunita sa Ramadan kahapon habang libo-libong mga re-sidente ang lumilikas sa Marawi City, habang nagsasagupa ang mga tropa ng gobyerno at te-rorista.
Isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Mindanao sa martial law habang sinisikap ng gob-yerno na lipulin ang mga terorita sa lugar.
Aniya, layon ng mga teroristang grupo sa pag-atake ang makapagtatag ng Islamic province sa Mindanao.
Nitong Huwebes, naglunsad ang militar ng surgical air strikes habang isinusulong ang clearing operations.