‘Celebrity-mentality’ ng bodyguards ni Korean actor Kim Soo Hyun dapat bigyan ng aral!
Jerry Yap
May 27, 2017
Bulabugin
TOTOONG tayong mga Pinoy ang pinaka-hospitable mag-host ng isang bisita lalo na kung mga dayuhan.
Ayaw na ayaw nating may masasabing negatibo ang bisita kaya nga noong araw pati sariling papag ibinibigay sa bisita at sa sahig natutulog ang may-ari ng bahay.
Naalala natin ito dahil sa insidenteng naganap nitong nakaraang araw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang dumating ang Korean actor na si Kim Soo Hyun.
Tila nagkagirian ang bodyguards ni Kim Soo Hyun at ang media airport in-house reporters.
Humantong pa sa pagbabanta ng bodyguards ng Korean actor na sisirain umano ang cellphones, iPod touch at iba pang electronic gadgets ng newsmen kapag ipinagpatuloy ang pagkuha ng video.
Wattafak!?
Aba ibang klase pala ang hangin sa tuktok nitong aso ‘este bodyguards ng Korean actor?!
Sila ang nandayuhan pero sila pa ang arogante at hindi nag-oobserba ng kultura ng bansang pupuntahan nila?!
Sukdulan pala ang utak-celebrity ng mga kamoteng bodyguard ng Korean actor!
Mantakin ninyong ang napili pang-i-bully ng mga bodyguard ni Kim Soo Hyun ay mga beteranong reporter na sina Raoul Esperas ng DWIZ at ABS-CBN stringer; Jeanette Andrade ng Phil. Daily Inquirer; Ariel Fernandez, GMA stringer at si Jojo Sadiwa, isa pang Airport in-house media?!
Bago kasi umabot sa Immigration area, kumuha ng konting video footages ang mga airport reporter na hindi minabuti ng kanyang bodyguards.
Nagulat siguro ang mga bodyguard ng actor kaya naging overacting ang kanilang reaksiyon.
Anyway, wala namang masama kung nakiusap sila na huwag munang kunan ng video footages ang Korean actor, hindi iyong tila makikipagbabag na sila.
At kung ayaw nila makunan ng video o photo ang amo nilang Koreano, dapat doon nila idaan ‘yan sa rampa!
Kung tutuusin, ‘mabait’ pa nga ang Immigration official sa kabila na parang nagiging unruly ang bodyguard ng foreign actor.
Ipinaliwanag lang sa kanila ang karapatan ng Airport media at hindi na sila ‘pinatikim’ ng sanction.
E baka kung sa kanila nangyari ‘yan malamang sumakit ang ulo ng dayuhang masasangkot sa ganyang insidente sa kanilang bansa.
Dito sa ating bansa, parang lumalabas na nagpapaliwanag pa ang Immigration official.
Iba talaga ang kultura ng mga taong nag-iisip na lagi silang inferior sa ibang lahi.
Sila na ang naagrabyado, sa huli, sila pa ang magso-sorry. Tsk tsk tsk…
Aba, kung ayaw nilang pinagkakaguluhan ang mga aktor nila sa ibang bansa, huwag na silang lumabas ng Korea!
Kakaiba kayo ha!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap