Friday , December 27 2024

Tahimik na protesta ng BI employees

NAGSUOT ng red armband ang mga Immigration Officer (IO) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) hindi para magprotetsa kundi upang maipaabot kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang kanilang kalagayan matapos tanggalin ang kanilang overtime pay. Mahigit sa libong pasahero ang dumarating at umaalis sa bansa ngunit patuloy pa rin nilang ginagampanan ang kanilang tungkulin kahit marami sa kanila ay naka-leave habang ang iba ay nag-resign at lumipat ng trabaho upang matugunan ang pangangailangan ng pamilyang sa kanila ay umaasa. (JSY)
NAGSUOT ng red armband ang mga Immigration Officer (IO) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) hindi para magprotetsa kundi upang maipaabot kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang kanilang kalagayan matapos tanggalin ang kanilang overtime pay. Mahigit sa libong pasahero ang dumarating at umaalis sa bansa ngunit patuloy pa rin nilang ginagampanan ang kanilang tungkulin kahit marami sa kanila ay naka-leave habang ang iba ay nag-resign at lumipat ng trabaho upang matugunan ang pangangailangan ng pamilyang sa kanila ay umaasa. (JSY)

Nitong nakaraang linggo, tuluyan nang binasag ng Buklod ng mga Manggagawa (BUKLOD) ng Bureau of Immigration (BI) maging ng Immigration Officers Association of the Philippines (IOAP) ang kanilang pananahimik matapos ipag-utos sa kanilang mga miyembro ang pagsusuot ng pulang armband bilang sagisag ng kanilang kilos-protesta sa pagbabalewala ng pamahalaan na tugunan ang kanilang mga hinaing tungkol sa karagdagang sahod at karampatang benepisyo na matagal nang iniuungot sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang ilang ulit nang nangyari ang pakikipag-dialogo ng dalawang kampo sa ilang emisaryo ng Malacañang pati na sa panig ng Department of Bweset ‘este Budget and Management para aksiyonan ang kanilang hiling na ibalik ang nawalang overtime pay o ‘di kaya ay magkaroon ng ibang alternatibo para magkaroon ng karagdagang kita ang mga miyembro.

Simula ng i-veto ni Pangulong Duterte ang ilang probisyon tungkol sa pagpasok ng Express Lane Funds sa National Treasury ay tila hindi pa rin makapagbigay ng tamang solusyon ang Malacañang sa nasabing problema.

Sa isang manifesto na magkasamang nilagdaan ng BUKLOD at IOAP ay tuluyan nang pinahintulutan ng dalawang asosasyon ang pagsusuot ng red armband bilang simbolo ng tahimik na protesta para iparating sa mga opisyal ng pamahalaan partikular kay Pangulong Duterte ang mga hinaing ng buong kagawaran.

Bagamat ganito na ang naging aksyon nila, siniguro ng dalawang presidente ng assosasyon na sina BUKLOD prexy, Atty. Gregorio Sadiasa at ni IOAP president Er German Robin na patuloy pa rin ang pagbibigay serbisyo sa publiko ng lahat ng mga miyembro ng samahan.

Sana naman ay tuluyan nang pakinggan ng Malacañang ang simpleng pagpapapansin ng Bureau sa kanilang adhikain.

Hihintayin pa ba ng kasalukuyang administrasyon na umabot pa sa mas malalang aksiyon bago pa sila matauhan!? At para naman sa tatlong commissioners ngayon ng Bureau na sina Commissioners Jaime Morente, Tobias Javier at Aimee Torrefranca-Neri, best efforts pa po mga bossing.

Ang pagbibigay ng win-win solution sa malalang problema ng ahensiya ang inyong magi-ging legacy, hindi lang para sa lahat ng kawani ng kagawaran. Kasama rin po rito ang kanilang mga pamilya!

Hindi lang sa NAIA kundi sa lahat ng airports and sub-ports sa buong bansa ipinag-utos ang pagsusuot ng pulang armband.

Naging excited daw ang lahat dahil noon pa gigil na gigil ang lahat ng mga miyembro ng BUKLOD at IOAP na gamitin ang pulang retaso na matagal na nilang inihanda para sa naturang pagkilos.

Para sa kanila ay hindi masama ang pagpapakita ng ganitong ‘gesture’ dahil silent protest lang naman ito. Hindi naman daw ito gaya ng ginagawang protesta ng ibang unyon na talagang ‘pinaparalisa’ ang takbo ng buong operasyon.

‘Yun lang po!!!

MPD BAGMAN
MALAKAS
MAGPATALO
SA CASINO

KA JERRY, kompirmado po expose n’yo kay PO1 Buwong sa pagka-casino sa Grand Opera. Dami niya nabubukulan sa laki ng kolektong nya. Tres, dos at city hall hawak n’ya. Ngtataka nga kami bakit malakas sa taas ‘yan. Malaki cguro mghatag.

+63917660 – – – –

KALAHATI LANG
ANG MID-YEAR BONUS
— MIAA EMPLOYEES

SIR JERRY, sana mapa-check bakit kalahati lang mid-year bonus naming airport emplo-yees? Saan napunta ‘yung kalahati? Nakatkong ba ng provident? Malaking tulong sana sa pa-milya namin kung nabuo iyon.

+639168499 – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *