Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Orlando Sol, thankful sa suporta ni Direk Maryo J. delos Reyes

MASAYA si Orlando Sol sa mga nangyayari sa kanyang showbiz career. Although nagkaroon na ng album ang grupo nilang Masculados, hindi raw niya inaasahang magkakaroon siya ng solo-album. Ito ay mula sa Star Music at pinamagatang Emos-yon. May limang hugot songs sa album ni Orlando mula sa kompositor na si Jerwin Nicomedez.

Bukod dito, bida rin si Orlando sa unang online drama series ng Star Music na pinamagatang Kailan Darating Ang Ayoko Na, na siya ring titulo ng carrier single ng album niya. Kasama niya rito nina Catherine Rem, Ruby Cayetano, at Blumark Roces para sa natatanging love triangle na tiyak na magiging viral sa mga susu-nod na araw.

Inusisa namin ang response o feedback sa kanilang online drama series at positive naman daw ito ayon sa kanya. “Okay naman po ang response sa online drama series ko pati sa LGBT community. Maganda po ang feedback, at marami ang nag-aabang. Excited na nga po silang mapanood ang final episode na makikita sa May 26.

“Hoping din po ako na sana ay mapansin ang ginawa kong music video at ang aking talent. Sana rin ay mabigyan pa ako ng ibang project,” masa-yang pahayag ni Orlando.

Dagdag pa niya, “And sobrang saya ko na nagkaroon po ako ng solo album, tapos ay Star Music pa po ito. Kaya parang hindi ako makapaniwala sa nangyayaring ito.

“Sobrang thankful po ako kay Direk Maryo sa pagtitiyaga sa akin at sa pag-handle niya sa akin dahil si Direk talaga ang nag-mold kung sino si Orlando Sol nga-yon. Kung wala si Direk ay wala po ako ngayon dito.  Marami po akong natututunan sa kanya, sa kanyang words of wisdom, sa mga pangaral niya sa akin at mga tinuturo niya sa buhay at sa acting.”

Ang five-part series na ito ay ipinrodyus ng Production 56 at mula naman sa direksiyon ng batikang director na si Marjo J. Delos Reyes, ang director ng mga patok at tanyag na pelikula tulad ng The Unmarried Wife, Magnifico, at A Love Story.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …