Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelina Cruz, ‘di pa puwedeng ligawan

HINDI ikinaila ni Angelina Cruz na ine-enjoy niya ang pagiging anak ng mga sikat na artista. Tatay ni Angelina si Cesar Montano at nanay naman niya si Sunshine Cruz. Pero, hindi naman niya itinanggi na mayroon ding negatibong epekto ito.

“There are times when my mom get really scared because like sa mga boyfriend or when you hang out. Hindi pa ako ina-allow ni mama magka-BF,” aniya.

Labinlimang taong gulang pa lamang si Angelina kaya natural na hindi siya payagan ng kanyang ina na ligawan.

Pero sa ganda ni Angelina, hindi nga maiiwasang mabighani ang mga kalalakihan sa kanya. Tulad na lamang ni Inigo Pascual, anak ni Piolo, na grabe ang titig sa dalaga nang nakasabay itong mag-guest sa show ni Vice Ganda noong Linggo.

Panay nga ang tukso ni Vice kay Inigo dahil nahuhuli niya itong nakatitig at kakaiba ang titig sa dalaga nina Cesar at Sunshine.

Kahit si Vice Ganda ay gandang-ganda rin kay Angelina at sinabing pang-Hollywood ang kagandahan ng dalaga.

Talented pa si Angelina dahil marunong itong tumugtog ng ukulele na tinugtugan si Inigo nang hingan ito ng awitin.

Sa La Salle Zobel nag-aaral si Angelina at aminadong namana niya ang galing ng kanyang inang si Sunshine sa pagkanta. Sa ngayon, isa nang recording artist si Angelina na kamakailan ay ini-release ang debut single sa ilalim ng Univesal Records na ipinrodyus ni Ito Rapadas ng Neocolours.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …