Friday , December 27 2024
xi jinping duterte

Pangulong Digong tumpak sa diplomatic relations sa China

NGAYON pa lamang ay pinatunayan na ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na wasto ang kanyang diskarte kung paano makikipagrelasyon sa China — isa sa itinuturing ngayon na superpower sa buong mundo.

Ano nga naman ang mapapala niya kung makipagmatigasan siya sa China? Isusubo ba niya ang buong bansa sa pakikidigma sa isang bansa na ang katapat ay mga bansang gaya ng Amerika, Russia at North Korea (kung armaments ang pag-uusapan)?

Kung nagpadala si Digong sa urot ng mga utak-pulbura, malamang para lang tayong kandila na hihipan lang ng China, ‘e tigok na ang sindi.

Bakit nga naman makikipag-away ang Pangulo kung manganganib ang kaligtasan ng bansa at mamamatay ang marami nating sundalo pero sa huli ay talo pa rin tayo?

E kung makipagkaibigan nga naman siya at maging diplomatiko sa China, ‘e marami pa tayong nakuhang pakinabang at tulong. Hindi lang milyon-milyon kundi bilyon-bilyon.

Mabuti na lamang at hindi siya nakinig sa mga nagsasabing mga makabayan sila at dapat ipagtanggol ang ating bansa laban sa sinasabing ‘pambu-bully ng China’ sa West Philippine Sea.

Isa itong matatawag na Solomonic decision.

Hindi naman inaangkin nang lubos ang mga islang sabi nga ay disputed. Bukas sila sa pakikipag-usap at sinasabi nila na sila ay may historikal na batayan sa pagpunta sa mga islang anila ay kinasanayan nang puntahan ng kanilang mga ninuno.

Kung totoo mang mayroong mga likas na yaman na maaaring pakinabangan sa nasabing mga isla, bakit nga naman hindi gawing joint exploration.

Kaya sana naman ‘yung mga nagmamagaling na kung ano-ano pang analysis ang ginagamit, tigilan ninyo ‘yan.

Hindi naman kayo Presidente ‘e kung makapagsalita kayo parang kayo ang inihalal ng 16 milyong Filipino.

Alalahanin ninyo, isa lang ang timon sa isang barko.

Kaya nga pumipili ng kanyang mga Gabinete ang isang presidente dahil ibig sabihin iyon ang kanyang mga kasangguni.

‘Yung mga nagmamagaling, aba ‘e mag-Presidente kaya muna kayo?!

Para maintindihan ninyo kung paano ang maging Presidente, huwag yakyak nang yakyak!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *