Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasalan nila ni Yassi Pressman sa FPJ’s Ang Probinsyano humamig ng 41.1% na rating

Sinubaybayan ng mas maraming manonood ang pinakahihintay na kasalan nina Cardo (Coco Martin) at Alyanna (Yassi Pressman) sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” kaya naman hindi ito natinag sa TV ratings sa buong bansa at tinalo ang pagtatapos ng dati nitong katapat noong Biyernes (May 19) at ang pag-uumpisa ng bago nitong kari-bal noong Lunes (May 22). Nito ngang Biyernes, tinutukan ang matamis na pag-iisang dibdib ng dalawa nang makakuha ang Kapamilya serye ng national TV rating na 36.6%, kompara sa pagtatapos ng “Encantadia” ng GMA na nakakuha lang ng 27%, ayon sa datos ng Kantar Media na sakop ang kabahayan sa urban at rural Philippines. Nagpatuloy ang madamdaming kasalan at nagsimula naman ang maaksyong kaganapan sa serye hanggang Lunes (May 22), na nagtala ng national TV rating na 41.1%, laban sa pag-uumpisa ng “Mulawin vs. Ravena” na nagtala lamang ng 22.5%. Tinutukan din maging ng netizens ang mga makapigil-hiningang tagpo sa seryeng pinagbibidahan ni Coco matapos maging trending topic sa Twitter ang official hashtags ng palabas na #FPJAPKasal at #FPJAPSingilan at makakuha ng libo-libong tweets. Samantala, sa pag-aakalang tapos na ang mga kaguluhan, aabot na sa sukdulan ang tapatan nina Cardo at Joaquin (Arjo Atayde) ngayong hawak na ng huli si Al-yanna at ilalagay ang buhay nito sa kapahamakan.Pero hindi naman susuko si Cardo na mabawi siya mula sa kamay ng kanyang mortal na kalaban at sisiguraduhing pagbabayaran niya ang lahat ng kanyang kasalanan. Kaninong buhay kaya ang susunod na mapapahamak? Maisalba kaya ni Cardo ang buhay ng kanyang asawa? Magtagumpay kaya si Joaquin sa kanyang mga plano? Huwag palampasin ang mga maaksyong tagpo sa numero unong primetime teleserye, “FPJ’s Ang Probinsyano,” gabi-gabi sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Pwede ring mapanood ang past episodes ng pa-labas sa iWanTV.com o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

KARERA NANG MGA PUSO
NINA GABRIEL AT CARLOS KAY
BIANCA NAGSIMULA NA
SA “IKAW LANG ANG IIBIGIN”

Ayaw nang papigil nina Gabriel(Gerald Anderson) at Carlos(Jake Cuenca) sa kanilang paligsahan sa puso ng babaing pareho nilang mahal na si Bianca(Kim Chiu). Palaban na si Gabriel sa among si Carlos na madalas laitin ang kanyang pagkatao kaya’t pinatikim na niya ito ng pang-aasar at sinabihang basted ito kay Bianca. Sa pagitan ng dalawang binata ay higit na mas may karapatan si Gabriel dito kay Bianca dahil mula pagkabata ay malapit na sila sa isa’t-isa. Hindi naman matanggap ni Isabel(Coleen Garcia) na naghahabol at ipinagpipilitan ni Carlos ang kanyang sarili kay Bianca kaya’t sinabihan nito ang dalaga na oportunista at pa-hard to get. Samantala ngayong nakalaya na sa kulungan ang ama ni Gabriel na si Rigor(Daniel Fernando) ano kaya ang pasa-sabugin nitong lihim lalo’t tinatanong na siya ng kanyang inang si Lydia o Lola Ganda(Gina Pareno) kung sino ang totoong nanay ng apong si Gabriel. At sa pagkakalayang ito ni Rigor ay sobrang bothered naman si Victoria(Ayen Munji-Laurel) may kinatatakutan ba siyang multo? Tutok lang weekdays, at huwag bibitaw sa panonood ng lalong painit na painit na mga tagpo sa Ikaw Lang Ang Iibigin, na napapanood pagkatapos ng Kapamilya Blockbusters sa Prime Tang-hali ng ABS-CBN-2.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …