Friday , November 22 2024

Issues sa e-passport naresolba ba sa pulong ng APO kay ES Salvador “Bingbong” Medialdea?

NABASA natin ang isang paid advertisement sa isang pahayagan nitong nakaraang linggo na ipinagyayabang na tapos na raw ang mga isyu sa e-passport.

Natapos daw ito nang makipagpulong sila kay Executive Secretary Salvador “Bingbong” Medialdea na dinaluhan ng Department of Foreign Affairs (DFA), Asian Productivity Office (APO), Presidential Communications Office (PCO) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon sa advertisement, napagkaisahan umano sa nasabing pulong na ang babayaran ng DFA sa bawat e-passport ay P832.

Ang tanong: Ganoon din ba ang sisingilin nila sa bawat applicants? Ilang sentimo lang ang ibinaba nito sa P900-P1,200 kasalukuyang singil.

Ibig sabihin puwede pang tumaas dito ang singil ng DFA?

Ang isyu sa protection and privacy of data, nanatili umano ito sa pangangalaga ng DFA. Mahigpit din umano silang sumusunod sa Data Privacy Act na mayroong karampatang parusa kapag sila ay lumabag.

Naresolba na rin umano ang delay sa issuance ng e-passport, pero hindi naman naipaliwanag kung paano ito naresolba.

Mas mabilis na ba ang pagkuha ng schedule/appointment sa passport application?

At lalong hindi nabigyan ng eksaktong paliwanag kung paano matitiyak na hindi na made-delay ang issuance ng passport.

At higit sa lahat, hindi natin maintindihan dahil hindi naiklaro, ‘yung isyu sa sub-contract ng APO sa United Graphic Expression Corp. (UGEC).

Hindi umano totoo ‘yung isyu ng sub-contract. Pinaninindigan nila na ito ay joint venture sa isang public company na ang layunin ay iangat ang kapasidad ng APO LiMa (Lipa Malvar) Plant.

Nanatili umano ang kontrata ng DFA sa APO bilang isang recognized government printing (RGP).

Ang APO LiMa Plant ay printing plant na nasa loob ng Batangas (LiMa) Economic Zone. Ibig sabihin, wala itong binabayarang buwis sa pamahalaan.

Pero ang ipinagtataka natin dito, bakit hindi binanggit sa kanilang ads ang UGEC — ang tinutukoy nilang ka-joint venture nila.

Nagtataka rin tayo kung paanong naresolba ang mga isyu gayong hindi naman nasagot ng APO  ang mga isyung ibinabato sa kanila noong una pa man?

Bakit sa UGEC sila nakipag-joint venture?!

Kung sinasabi nilang hindi na maibabalik sa BSP ang project dahil wala silang kakayahan sa mabilisang pag-iimprenta ng laksa-laksang e-passport, e bakit ang APO-UGEC mula nang mapunta sa kanila ‘yan ay nagka-delay-delay na ang issuance ng passport?

Ano ba ang mayroon sa UGEC bakit hindi mailantad ng APO ang kanilang ka-joint venture?!

Ang huling tanong, nagsabi ba sila nang totoo kay ES Medialdea o binulag nila kaya napapayag nila sa kanilang mga pinagsasasabi?!

ES Medialdea Sir, paki-check lang po ulit ang joint venture dahil mukhang mayroong ‘malalabong’ aspekto na hindi kapaki-pakinabang sa gobyerno at higit sa lahat naagrabyado ang sambayanang Filipino lalo ang overseas Filipino workers (OFWs).

Isa lang po ang klaro, hindi pa po resolbado ang mga isyu!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *