Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Karl Medina, umiiwas makatrabaho si Baron Geisler

TILA ayaw pag-usapan ni Karl Medina si Baron Geisler. Sa presscon kasi ng pelikula nilang Bubog (Crystal) na pinamahalaan ni Direk Arlyn dela Cruz, umiwas siyang pag-usapan si Baron. Matatandaang nagkaroon ng issue sa nakababatang kapatid ni Karl na si Ping Medina at Baron sa shooting ng Bubog. Dito’y nagkagulo dahil sa issue ng pag-ihi ni Baron kay Ping. Bunga nito’y parehong pinalitan sa nabanggit na pelikula sina Ping at Baron, nina Karl at Allan Paule, respectively.

After ng presscon ay tinanong namin si Karl kung okay ba sa kanyang makatrabaho sa pelikula si Baron. Sagot nito, “I have my own take on my own personal feelings with regards to Baron. Tapos, natanong nga ako if I would like to work with Baron. Masasabi ko siguro hindi, hindi na. It’s a matter of principle. After what happened, hindi na, ayaw ko na lang… it’s a personal choice.”

Sakaling mag-krus ang landas nila ni Baron, paano siya magre-react? “Wala naman. Kasi yun nga, katulad ng sinasabi ko sa mga nagtatanong sa akin, hindi ko isyu iyon. Isyu ni Baron iyon, saka ng kapatid ko. Hindi ako makikisawsaw doon. Pero I’d say, I’d rather not, na hindi ko siya makita.”

May message ba siya para kay Baron? “I sincerely hope na ayusin na niya kung ano yung kailangan niyang ayusin, sa sarili niya and with work,” nangingiting saad pa ni Karl.

Si Karl ay gumaganap sa Bubog bilang isang corrupt na informant at double agent na sangkot sa operasyon ng droga.

Ang Bubog ay mula sa Blank Pages Production at Asian Premier Resources Trading Corporation nina Andrea Cuya at Aya Saycon. Ito ay tinatampukan nina Elizabeth Oropesa, Julio Diaz, Juan Rodrigo, Jackie Lou Blanco, Allan Paule, Jak Roberto, Raffy Reyes, Janice Jurado, Kristofer King, Chanel Latorre, Rommel Padilla, Joshua de Guzman, Atty. Jemina Sy, at iba pa.

Makikita sa pelikulang ito ang talamak na problema ng droga sa bansa, kaya sadyang sumasalamin ito sa nangyayari ngayon sa ating lipunan. Magkakaroon ng screening ang Bubog sa May 25 sa Fisher Mall.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …