Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jed Madela, bilib sa mga contestant ng Tawag Ng Tanghalan Kids

ISA si Jed Madela sa pinakamagaling na singer ngayon sa bansa. Katunayan, siya lang ang tanging Filipino na naging Hall of Famer sa World Championships of Performing Arts (WCOPA), na nakahanay niya rito ang world renowned actress-singer na si Liza Minnelli.

Nang makapanayam namin ang Kapamilya singer, inilahad niyang ito ang itinuturing niyanggreatest achievement so far, bilang singer.

“I think it would be the world championships, doon talaga nakilala ang pangalang Jed Madela at doon nakilala ang Pilipinas sa world championships. In a way I am proud that I established a name in the world championships na, the Philippines is a place na talagang people would expect great talent from.

“Hall of famer na ako sa Hollywood, sa WCOPA and it’s an honor to be inducted. And I try my best to be… to pay it forward and to be an inspiration sa mga baguhan na artists ngayon. Lalo na ngayon, for example eto na naghuhurado ako.

“It’s not just because it’s work, it’s more of me… the reason why I accepted the job is to inspire these kids. You know, to share with them kung ano mga natutunan ko, give them advice, give them pointers. Yun, parang paying it forward,” ani Jed.

Nabanggit din ni Jed na bilib siya sa mga contestants sa tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime. “Sobra akong nag-eenjoy sa Hurado duties ko, una sa Your Face Sounds Familiar, tapos ngayon ay sa TNT Kids. Iba yung feelings na nakakapag-impart ako ng mga alam ko sa mga bata, sa mga contestants.”

Sa tingin mo sa batch ng TNT Kids, may susunod kaya sa yapak nina Lea Salonga at Regine Velasquez? “I hope so, I hope so. Kasi the semi-finalists ngayon sa TNT Kids ay nasala silang lahat, I mean, they are not just good singers, but they are really good performers and entertainers. Hindi lang basta maganda ang boses.

“Kasi, ang daming magaganda ang boses na sumali, pero hindi lahat ay napipili. Kaya kapag tinatanong ako, ‘Jed ang ganda naman ng boses niyon, bakit nanalo itong isa?’ Sabi ko, ‘Kasi ay mas na-entertain kami sa isa. Kahit ang boses niya ay medyo good lang. Itong isa, grabe-biritera, biritera, pero hindi ko siya naramdaman.’ Kaya dapat ay complete and it has to be, may entertainment value talaga.”

Proud ka ba na galing ka sa Pilipinas, na karamihan ay magagaling sa kantahan?

Sagot niya, “Oh yeah, sobrang proud ako to the point that whenever I go abroad, whenever I represent the country sa World championships, I make it a point to make people know that I am Filipino, I am pure Filipino. Kasi you know, napansin ko kasi in general, ‘pag sa Western world ka, Asians are being… parang looked down, parang minamaliit tayo.

“So you know, I just want to show the Western people, na we are not a race to be looked down on. We are very talented, we are full of talent na magagamit talaga tayo sa buong mundo and we can be a threat to them, actually. So yun.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …