Monday , November 25 2024

Congratulations Gen. Danilo Lim!

Una, nais natin batiin si Gen. Danilo Lim bilang bagong chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ang MMDA ay inaasahang magpapatino ng trapiko sa Metro Manila.

Wala tayong kuwestiyon sa kakayahan at integridad ni Gen. Danny Lim.

Hindi ba’t nag-resign siya sa Customs sa nakaraang PNoy administration upang patunayan na wala siyang ano mang interes sa panunungkulan niya sa nasabing ahensiya kundi ang makatulong sa pamahalaan?

Hindi siya ‘yung tipong kumakapit at naghahabol ng puwesto.

Kung tapang at pagiging buo ng loob, kailangan pa bang itanong ‘yan?!

Kaya, ngayong siya na ang bagong chairman ng MMDA, marami ang naniniwala pagtutuunan niya ng pansin kung paano patitinuin ang trapiko sa Metro Manila.

At isa sa mga dapat unahin ni Gen. Danny Lim ang paglilinis sa mga ilegal na terminal gaya ng namamayagpag diyan sa Lawton o Liwasang Bonifacio.

Mga kolorum na van at mga siga na ginagawang parking area ang mga kalsadang ipinagawa ng gobyerno.

Dapat nilang maintindihan ipinagawa ‘yan para daanan ng sasakyan, hindi paradahan.

Panahon na talaga para pag-isipan ng MMDA na mag-operate ng collapsible na parking area, para kumita naman ang pamahalaan.

Hindi ‘yung tipong may pambili ng sasakyan pero walang kakayahang umupa ng paradahan.

Ilan lang po ‘yan sa mga puwedeng makatulong para gumaan o lumuwag ag trapiko sa Metro Manila.

Pero ibigay natin ang kalayaan kay Gen. Lim kung ano ang kanyang unang gagawin, pag-upong-upo niya sa MMDA.

Again, congratulations MMDA Chairman Danny Lim!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *